“Nakaka-happy eh yung vibe niya”: Rico Blanco, Ibinahagi Kung Paano Siyang Napaibig Ng Kanyang Nobyang Si Maris Racal

Masayang-masaya ngayon ang singer-actor na si Rico Blanco sa piling ng kanyang nobyang si Maris Racal. At kamakailan lamang nga, naikwento ng “The Goodbye Girl” actor na si Rico sa isang panayam kung paano siyang napaibig ng kanyang nobyang si Maris.

CREDITS: Rico Blanco | IG

Tatlong taon na ang nakalipas magmula nang magkasama sila Rico at Maris sa kanilang first collaboration sa single na “Abot Langit” na nasundan pa ng mga kantang “Ate Sandali” at “Asa Naman” noon lamang buwan ng Setyembre. Ngunit, ayon kay Rico ay wala raw namamagitan talaga sa kanila noong una at pawang trabaho lang daw sila ni Maris.

CREDITS: Maris  Racal | IG

Noong Pebrero 1, sa naganap na mediacon ng first acting project ng magkasintahan kung saan nga ay magkasama sila sa IWantTFC Original series The Goodbye Girl, ay ibinahagi ni Rico kung kailan siya nakaramdam ng pagmamahal sa kanyang nobya.

Kwento nga ng mahusay na singer, noong una raw ay mas nanaig ang kanilang pagiging propesyunal sa trabaho. Ngunit, kung kailan naman hindi na sila magkatrabaho, ay unti-unti na siyang nahulog sa madalas nilang pag-uusap.

CREDITS: Maris  Racal | IG

“Hindi naman ako nagtatago ng anything. We were trying to find out, kami ni Maris, sometime ago how did it happen. Parang little by little lang. Definitely not the first time I met her. Definitely not when we were working on the song and recording. I take pride kasi in my professionalism in the studio and no matter if I think the person that I’m working with is attractive or not, or even on the set when I’m doing acting, I take pride in my professionalism. So wala eh. I think it was sometime after we were done working on the song. Sa mga talks namin siguro. Nagkakamustahan kami. DM yata, parang ganun.”

Matapos nga isapubliko ang kanilang relasyon noong nakaraang taon, ay bukas na si Rico na ibahagi sa publiko ang psgsisimula ng kanilang love story. Sa kabila nga ng age gap nilang 25 na taon, ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-iibigan. At sa katunayan pa nga nito ay masaya ang kanilang relasyon sa piling ng isa’t isa.

CREDITS: Rico Blanco | IG

Pag-amin nga ni Rico ay masaya siya sa tuwing kasama si Maris kung saan nga para sa singer ay “nakakahappy” ang vibe nito. Maging ang pamilya rin raw ni Maris ay masayang kasama, na tila barkada niya lang ang dating kung kaya’y nag-eenjoy siyang kasama ang mga ito. Kwento pa ni Rico, kapag raw may mga pagkakataon na malungkot siya o kaya naman ay may mga pinagdadaanan, ay nagagawa raw siyang pasayahin ng kanyang nobya at nailalabas rin ang kanyang positive side.

“Ang gusto ko kay Maris is she doesn’t even realize it but nakaka-happy eh yung vibe niya. It’s something that I think is normal to them magkakapatid. Because I hung out with the sisters also and the family and even with Maris’s mom and that’s the vibe, parang barkada. It’s the same vibe when you’re hanging out with your friends. So parang ganun. It’s really like that kahit kaming dalawa lang.”

“Of course there are days when we’re down di ba and it happens to her, it happens to me too. But in general ang positive so I think yung vibe it brings out the best in me. Yung positive side ko nalalabas din kasi nakakalimutan ko din na I’m playful pala. There’s a bit of child-like fun in every person and then she brings that out.”

CREDITS: Maris  Racal | IG

Nang matanong naman si Rico tungkol sa inaasahan ng publiko sa relasyon nila ni Maris sa mga darating na panahon, ay inamim niyang hangad rin niyang mas tumagal pa sila ni Maris, at umaasa siya na darating ang panahon na ang kanyang nobya na nga ang makakasama niya sa buhay.

CREDITS: Rico Blanco | IG

“Years from now I hope that the relationship is deeper and richer with so much more memories, music, active projects and stories. And it seems like we’re going to take everyone on this journey with us kasi parang ganun na eh (laughs). You’re part of this journey and of course there are things that are sa amin lang and private lang but I’m hoping lang na it’s going to be more fun pa and more stories in the future.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *