Naging Emosyonal si Herlene Budol A.k.a Hipon Girl ng Muling Alalahanin ang Panahon ng Kanyang ‘Graduation’ Kung Saan Wala Siyang Nakasamang Magulang sa Pagmartsa

Ang pag-graduate o pagtatapos ng pag-aaral ang isa sa mga maipagmamalaking milestone sa buhay ng isang indibidwal. Batid din natin, na ang makapagtapos ng pag-aaral ang pinapangarap ng maraming mga magulang para sa kanilang mga anak, kaya naman talagang hindi pinapalampas ng mga magulang ang pagkakataon na makadalo sa ‘graduation’ ng kanilang anak dahil sa isa rin nga ito sa maituturing nilang kayamanan sa kanilang buhay sapagkat hindi nga naman biro ang makapagpatapos ng anak sa pag-aaral lalo na kung hirap sa buhay.

CREDITS: Herlene Budol| IG

Kung marami nga sa atin ang naranasan na makasama ang kanilang mga magulang sa milestone ng pagtatapos o graduation day ay mayroon din namang ilan, na hindi naranasang makasama ang mga magulang nila sa espesyal na araw na ito ng kanilang pagtatapos sa pag-aaral, at ang mga ito nga ay mayroong iba’t ibang mga dahilan.

CREDITS: Herlene Budol| IG

Si Herlene Budol a.k.a Hipon Girl ay isa sa mga indibidwal na hindi nakaranas na masaksihan ng kanyang mga magulang ang kanyang graduation. At nito nga lamang nakaraan ay muling inaalala ni Herlene ang panahon na ito sa kanyang buhay, kung saan ay hindi nga niya napigilan ang maging emosyonal, habang ibinabahagi kung bakit wala ang mga magulang niya sa araw ng kanyang pagtatapos sa high school o sa araw ng kanyang graduation.

CREDITS: Herlene Budol| IG

Nito lamang nakaraan ay naging panauhin sa programang ‘Mars Pa More’ ng Kapuso network si Herlene at dito nga ay kanyang ibinahagi ang malungkot na pangyayari noong siya ay nagtapos ng pag-aaral sa high school.
Ayon kay Herlene niyaya niya ang kanyang ama na dumalo ng graduation day niya nu’ng high school, ngunit naging tugon nga nito sa kanya ay nanay niya ang yayain niya.

CREDITS: Herlene Budol| IG

Nang puntahan naman umano niya ang kanyang nanay upang ito ang yayain sa kanyang graduation ay sinabi nga nito sa kanya na “Ano ginagawa ng ama mo? Siya papuntahin mo.”

Pagbabahagi ni Herlene ng mga panahon na ‘yon ay hiwalay na ang kanyang mga magulang at may kanya-kanya ng pamilya ang mga ito, at kaya nga nagtuturuan ang mga ito kung sino ang dadalo sa kanyang graduation ay dahil sa ayaw ng mga ito ang magkita pa.

CREDITS: Herlene Budol| IG

Samantala, dahil nga sa kaganapan na ‘yon ay tanging si Herlene lamang nga ang nagtungo sa kanyang graduation, at wala nga siyang nakasama sa pagmartsa niya. Dagdag na kuwento pa niya, nakisabay na lamang siya sa kanyang mga kaklase at nagkunwari na lamang na kasama niya ang kanyang mga magulang ng araw na ‘yon.

CREDITS: Herlene Budol| IG

“Nakakalungkot lang na napagtapos ko yung pag-aaral ko na sarili ko lang. Yun na lang gagawin nila [sumama sa graduation] hindi pa nila nagawa”, ang malungkot ngang pahayag ni Herlene.

Sa kabila naman ng pagiging emosyonal ni Herlene ng muli ngang maalala ang kalungkutan na nadama noong kanyang graduation sa high school dahil sa hindi pagdalo ng kanyang mga magulang, sa huli ay inihayag naman niya na napatawad na niya ang ito.

Photo Credits to the owner

Ayon sa kanya, tinuro sa kanya ng lolo at lola niya na nagpalaki sa kanya, na huwag magtanim ng sama ng loob sa kaninoman, lalo na nga sa kanyang mga mga magulang.
Masaya namang ibinahagi ni Herlene na muli niyang mararanasan ang magmartsa, dahil ngayong nalalapit na buwan ng Mayo ay magtatapos na nga siya ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *