Nagbalik Ala-ala sa Kanyang “Tabig Ilog” Days ang Aktres na Si Jodi Sta. Maria Matapos Muling Mapauntahan ang Lugar Kung Saan Sila Nag-Shoot Noon

Nagbalik alaala sa kanyang Tabing-Ilog days ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria, ito ay matapos nga niyang muling balikan ang lugar kung saan sila nag-shoot noon ng nasabing serye.

CREDITS: Jodi Sta. Maria| YT

Marahil ay marami pa rin sa atin ngayon, lalo na sa mga batang 90’s ang hindi pa rin nakakalimutan ang isa sa mga paboritong palabas natin noon sa telebisyon, ito nga ay ang ‘Tabing Ilog.’ Ang nasabing serye, ay isang teen-oriented series na ipinalabas noon ng ABS-CBN network, kung saan ay tinangkilik nga ito nga maraming mga manonood, kaya naman tumagal ng apat na taon ang pag-ere nito sa telebisyon.

CREDITS: Jodi Sta. Maria| YT

Matatandaan na nagsimulang ipalabas sa telebisyon ang Tabing Ilog noong ika-4 ng Marso taong 1999 at tumagal nga ito hanggang ika-19 ng Oktubre taong 2003. Isa sa mga main cast ng teen-oriented show na ito noon ay ang Kapmilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Photo Credits to the owner

Samantala, nito lamang nakaraan sa YouTube channel ng Kapamilya actress ay kanya ngang ibinahagi ang tila pagbabalik alaala niya sa kanyang Tabing Ilog days, ito nga at matapos niyang bumisita sa Pangasinan, Pampangga. Ayon nga kay Jodi, sa naturang lugar sila nag-shoot noon para sa Tabing Ilog, kaya naman talagang malapit ang lugar na ito sa kanyang puso.

Photo Credits to the owner

Pagbabahagi pa ng aktres, halos mahigit 15-taon na rin nga ng gawin nila ang Tabing Ilog, at ngayon nga lamang siya uli nakabalik sa Pangasinan. Naibunyag din ni Jodi, na ang Tabing Ilog ang pinaka-unang serye na kanyang ginawa sa network na kanyang kinabibilangan ngayon.

Photo Credits to the owner

Kasama nga sa pagbabalik tanaw ni Jodi sa kanyang Tabing Ilog days, ay ang muli niya namang pagbisita sa naging bahay ng kanyang karakter noon sa seryena si Georgina. Ibinahagi rin ng aktres, na naroon pa rin ang isa pang bahay na naging malaki rin ang parte sa Tabing Ilog, dahil ito nga ang naging bahay ng karakter ni Mylene Dizon, na gumanap naman noon bilang si Gerry.

Photo Credits to the owner

Sa naging pamamasyal nga na ito ni Jodi ay nakausap niya rin ang mga totoong may-ari ng bahay na pinag-shootingan nila noon. Hindi rin nga niya napigilan ang mamangha dahil kahit matagal na ngang panahon ng gawin nila ang nasabing serye, ay nakatayo pa rin nga ang mga bahay na kanilang pinag-shootingan.
Mas lalo namang nasiyahan ang Kapamilya actress ng makita niyang muli ang mismong ilog kung saan palagi ngang ginaganap ang mga eksena nila noon.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *