“Mukhang squid” Baby Tali, Kinagiliwan ng mga Netizens Dahil sa Napakakulit na Paglalarawan Nito sa Kanyang Tito Wally Bayola

Ang anak ng mag-asawang Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto na si Baby Tali ay isa sa mga celebrity kids ngayon na tunay na kinagigiliwan ng maraming mga netizens. Hindi lamang kasi isang cute at chubby baby si Tali na napakasarap panggigilan, kundi isa rin siyang bibong bata, kaya naman talagang siya’y kinaaaliwan hindi lang ng kanyang mga magulang, kundi maging ng mga netizens.

Photo Credits: Pauleen Luna | IG

Matatandaan nga na kamakailan lamang ay nagbahagi si Pauleen ng video nila ng anak niyang si Tali, ito nga ay ang video kung saan makikita na habang siya ay abala sa pagkanta, ay tinutugtog naman ni Tali ang drums na laruan nito. Kinaaliwan din ng mga netizen ang isang video, kung saan naman makikita ang naging pagtuturo ni Pauleen ng Tagalog words kay Tali, na kadalasan nga ang lenggwaheng Ingles ang ginagamit kapag siya’y nakikipag-usap.

Photo Credits: Pauleen Luna | IG

Samantala, nito lamang nakaraan ay muli namang nagbahagi ang misis ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen sa kanyang Instagram account ng video, kung saan ay talagang kinagiliwan na naman nga ng maraming mga netizend ang anak niyang si Tali.

Photo Credits: Pauleen Luna | IG

Mapapanood sa naturang video na ito ang naging pagtuturo ni Tali sa larawan ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama nga sa wedding pictures ng kanyang mga magulang. Nang ituro nga ni Tali ang Tito Wally niya ay inilarawan niya ito wala nga itong buhok, sabay tinawag niya itong mukhang ‘squid’ o kung sa tagalog nga ay pusit.

Photo Credits: Pauleen Luna | IG

Dahil sa sinabing ito ni Tali, ay hindi napigilan ni Pauleen ang matawa, ngunit kasunod naman ito ay ang naging pangangatwiran ng kanyang anak kung bakit nga nito sinabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally. Ayon nga kay Tali, walang buhok ang mga squid, at ang Tito Wally niya ay wala ngang buhok kaya naman mukha itong squid.
Nang ibahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram ang video na ito ng anak niyang si Tali, ay maraming netizens ang agad ngang nagbigay ng kanilang komento, na hindi napigilan ang maaliw sa napaka-kyut na paglalarawan ni Tali sa Tito Wally niya.

Photo Credits: Pauleen Luna | IG

Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“Kids say the darnest thing hahaha, no filter talaga ang mga bata, they say as they see. Super cute ka talaga baby Tali.”
“Basta bata talaga they say what they think walang preno preno! Aminado naman siya na silly sya so forgiven na po agad haha!”
“Ang kulit ni Smart beautiful little princess never Nia mkalimutan ito kc he looks liked squid because he has no hair hahaha!”

Photo Credits: Pauleen Luna | IG

Ipinanganak noong ika-6 ng Nobyembre taong 2017 si Talitha Sotto o mas kilala bilang si Baby Tali. Siya ay ang panganay at nag-iisang anak ng mag-asawang Pauleen Luna-Sotto at Bossing Vic Sotto. Batid naman ng marami sa atin na hindi lang si Baby Tali ang anak ni Bossing Vic, dahil may mga anak din siya sa mga dati niyang karelasyon, ngunit si Baby Tali ang pinaka bunso sa mga anak niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *