Mga Netizens Napansin ang Sobrang Kapayatan Ni Kris Aquino Matapos Niyang Magbahagi ng Latest Video

Hindi na alintana sa marami sa atin na sa kasalukuyan ay may pinagdadaanan ngang isyu sa kalusugan ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino. Ngayon nga ay nasa ibang bansa siya, at doon nagpapagamot ng kanyang karamdaman, kasama niya ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimbi.

Photo Credits to the owner

Matagal na rin ngang hindi nasisilayan ng publiko sa telebisyon si Kris Aquino, at siya nga ay nakikita na lamang ng kanyang mga tagasuporta sa tuwing siya ay nagbabahagi ng kanyang larawan o video sa kanyang Instagram account. Dito rin siya nagbabahagi madalas ng update sa kanyang buhay ngayon, maging sa kundisyon ng kanyang kalusugan.

Photo Credits to the owner

Samantala, nito lamang naman ika-9 ng Pebrero sa kanyang Instagram account ay muling nagbahagi ng latest video si Kris. Kasama niya sa naturang video ang kanyang dalawang anak, kung saan sila nga ay nagpaabot ng pagbati para sa kaarawan ng yumao niyang kapatid na si Noynoy, at nagbigay update na rin siya patungkol sa kalusugan niya.

Photo Credits to the owner

Sa unang bahagi nga ng video ay magkakasabay na binati nina Kris, Josh at Bimby si dating Pangulong Noynoy Aquino para sa kaarawan nito, sa kabila ng ito ay yumao na nga. Ayon nga sa Queen of All Media, batid niyang kung nasaan man ang kanyang Kuya ngayon, ay alam niyang masayang-masaya ito sapagkat kasama na nito ang kanilang mga magulang.

Photo Credits to the owner

“I’m sure super happy ka because solong solo mo ang mom and dad in heaven. Please habaan nyo pa yung bonding n’yo? saad ni Kris.

Matapos nito ay ipinakita naman ni Kris ang isang video kung saan ay chinichika niya ang ang isang medical staff na kumukuha sa kanya ng blood sample niya upang magamit sa pagsusuri para sa kundisyon ng kanyang kalusugan at pangangatawan.
Hindi naman nakaligtas sa mga mapanuring netizens ang agad na mapansin ang malaking pagbabago sa katawan ni Kris, dahil kitang-kita nga sa video na mas lalo pa itong payat ngayon. Dahil dito, ay marami sa mga fans at followers niya ang hindi naiwasan ang mag-alala.

Photo Credits to the owner

Ayon naman kay Kris, kung ikukumpara sa mga nakaraang buwan, ay tila mas maayos ang kanyang pakiramdam ngayon, kaya naman ikinatuwa rin ito ng marami niyang mga tagahanga, sa kabila nito ay hindi pa rin nawala sa mga ito ang mag-alala lalo na’t bumagsak nga ng husto ang katawan ng Queen of All Media at batid nga ng publiko na wala ng lunas ang karamdaman nito.

Photo Credits to the owner

Mababasa rin sa caption ng video na ibinahagi ni Kris na pinapatawad na nga niya ang dating fiancée niyang si Mel Sarmiento, at kinalimutan na rin niya ang mga bagay na nagawa nito na nakasakit sa kanyang damdamin.
Patuloy naman na maraming mga tagahanga at tagasuporta ni Kris ang nanalangin na mas maging maayos pa ang kalusugan niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *