Mga Netizens Labis na Humanga sa ‘Fierce Photo’ at Naggagandahang Larawan ni Andrea Brillantes

Muling pinatunayan ng aktres na si Andres Brillantes na isa siya sa mga aktres ngayon sa mundo ng showiz na may kahanga-hangang kagandahan. At tunay namang ang mga bagong larawan niya sa social media ay pinagkakaguluhan at pinag-uusapan ng mga netizens.

CREDITS: Blythe| IG

Sa mga bagong larawan ng Kapamilya actress ay makikita na talaga namang nakikipagsabayan na siya sa mga beteranang aktres pagdating sa pag-postura ng kanyang hitsura sa harap ng kamera. Masisilayan sa mga bagong larawan niya na kumakalat ngayon sa social media na tila nga siya’y isang professional model na may kaakit-akit na kagandahan.

CREDITS: Blythe| IG

Hindi maikakaila na bagay na bagay sa tema ng naging photoshoot ni Andrea ang kanyang fitted dress na may tiger skin print, na mas naging maganda pang tingnan dahil bumagay pa sa kanya ang hair color niyang blonde. Tunay namang kahanga-hanga nag ipinamalas na fierce ni Andrea sa kanyang mga larawan, kung saan ay labis nga itong hinangaan ng maraming netizens.

CREDITS: Blythe| IG

Hindi naman mapigilan ng mga netizens lalo na ng mga tagahanga at tagasuporta ng aktres na mabigay ng mga magaganda at positibong komento patungkol sa mga naggagandahang larawan nga na ito ni Andrea. Narito nga ang ilan sa kanilang mga komento.

CREDITS: Blythe| IG

“Cute na bata ”
“Nag-glow na siya ng sobra…”
“Bagay sa kanya ”
“Preety Andrea… [red heart emoji]”

Ayon nga sa ilang mga komento ng mga netizens sa mga baong larawan na ito ni Andres, ay talagang makikita na ang pag-glow niya. Mula nga sa pagiging isang cute na child actress noon, ngayon nga ay napakaganda at dalagang-dalaga na si Andrea, at tila handa ng makipagsabayan pa lalo ng kagandahan at kagalingan sa ibang mga mahuhusay at magagandang artista sa mundo ng showbiz.

CREDITS: Blythe| IG

Kilala bilang isang Filipina artists si Andrea Brillantes sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ang kanyang husay sa pag-arte ay nasimulan niyang ipamalas noong siya ay bata pa, ito nga ay sa seryeng ‘Annaliza’ na umere sa telebisyon noong taong 2013.

CREDITS: Blythe| IG

Isa naman sa mga naging karakter niya kung saan ay talagang minahal siya ng marami ng gampanan niya ang pagiging si Marga Mondragon, sa hit series ng ABS-CBN noong taong 2018 na “Kadenang Ginto.”Maliban pa sa mga ito, ay marami pang iba’t ibang mga karakter ang ginampanan ni Andrea sa mga naging proyekto niya.
Matatandaan naman na ang unang appearance ni Andrea sa telebisyon ay ng mapabilang siya sa defunct Kids Gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *