Mapa-Wow sa Presyo ng Kalderong Gamit ni Gretchen Barretto sa Pagluluto ng Pancit Canton na Nagkakahalaga ng Labing-Pitong Libong Piso

Marami sa mga kababaihan ang hilig nga naman ay pagluluto, at pangongolekta ng mga magagandang lutuan na tila nagpapaganda ng kanilang mood sa tuwing sila ay nasa kanilang kitchen area. Hindi magpapahuli sa ganitong hilig ang ilan sa ating mga kilalang celebrity, kabilang na nga rito si Gretchen Barretto.

Photo Credits: Gretchen Barrreto | YT

Nito lamang nakaraan ay nagbigay pasilip si Gretchen sa kung ano ang kanyang sikreto sa mga masasarap na pagkain na kanyang niluluto.
Pagdating sa mgja nakatatakam na pagkain, isa sa mga paboritong lutuin at kainin ng mga Pinoy ay ang Pancit Canton, at isa si Gretchen o mas kilala bilang La Greta sa labis na kinahihiligan ang pagkaing ito. Ayon din kay Gretchen, isa ang Pancit Canton sa mga pagkaing Pinoy na hilig niyang lutuin.

Photo Credits: Gretchen Barrreto | YT

Dahil dito, naisipan nga ni La Greta na ibahagi sa kanyang mga tagahanga at tagsubaybay kung ano ang nagiging proseso niya sa pagluluto ng masarap na pancit canton. Isang video nga ay ibinahagi niya, at dito mapanonood kung paano niya niluluto an isa sa mga paborito niyang pagkaing Pinoy.

Photo Credits: Gretchen Barrreto | YT

“This is so yummy!”, ang naging panimula ni La Greta sa kanyang video.

Dagdag pa niya, bago ang ginawa niyang paghahalo ng sauce sa noodles, “This is the seasoning of Lucky Me Pancit Canton.”

Ayon pa kay La Greta, masarap na ibagay ang pancit canton sa Spam. Ibinahagi rin niya na mas gusto niyang maging ‘super moist’ ang kanyang pancit canton, kaya naman upang ma-achieve ito ay nilalagyan niya ito ng itlog. Ibinahagi rin ni La Greta, na ang sikreto niya sa masarap na pancit canton ay ang mga sangkap na inihahalo niya rito.

Photo Credits: Gretchen Barrreto | YT

“I want mine very spicy but the others don’t want spicy. Delimondo chili and garlic oil. See I put this? Then I put cayenne [pepper flakes] just because I like it very, very, very chili [spicy]”, ani Gretchen.

Samantala, habang ibinabahagi nga ni La Greta ang proseso sa pagluluto niya ng pancit canton, ay naging agaw pansin din sa mga netizens ang napakagandang kaldero na gamit niya sa kanyang pagluluto. Isa itong kulay ‘yellow green’ na kaldero, na napag-alamang gawa ng isang Frech brand, ito nga ay walang iba kundi ang Le Creuset.

Photo Credits: Gretchen Barrreto | YT

Marami namang mga tagasubaybay ni La Greta ang mas namangha, ng malaman kung magkano ang halaga ng lutuan ng aktres, kung saan ito nga ay nagkakahalaga umano ng US$330 o kung sa pera ng Pilipinas ay aabot sa PHP17,330.
Tunay namang napaka-bongga ng kaldero ni La Greta!

YouTube video player