Mala-Dyosa at Kahanga-hangang Ganda ni Marian Rivera sa Kanyang Uploaded Video Nagpa-Wow sa Maraming Netizens

Sa usapin ng kagandahan, isa sa mga nangunguna at tunay na hinahangaan ang angking ganda sa mundo ng showbiz ay ang Kapuso actress at tinaguriang Primetime Queen na si Marian Rivera. Dahil sa taglay na kagandahan ni Marian, ay hindi na nga kataka-taka, na hindi lamang siya isang aktres, kundi isa rin siyang endorser at television host.

Photo Credits: Marian Rivera | IG

Isinilang noong ika-12 ng Agosto taong 1984 ang Kapuso actress, at ang kanyang karera sa showbiz ay talaga namang nagsimulang tumingkad noong gampanan niya ang role bilang si “Marimar”. Isa rin siya sa mga aktres na nabigyan ng pagkakataon na bigyang buhay sa serye ang Pinay Iconic Hero na “Darna”, ito nga ay dahil sa kanyang angking ganda, idagdag pa ang taglay niyang kaseksihan.

Photo Credits: Marian Rivera | IG

Si Marian ay ikinasal na nga sa aktor na si Dingdong Dantes noong taong 2014, at ang pagsasama nilang mag-asawa ay nabiyayaan na rin ng dalawang anak, ito nga ay si Zia (ang panganay) at si Ziggy (ang bunso).
Sa kabila naman ng pagkakaroon na ng asawa at dalawang anak ni Marian, ay hindi pa rin naman nagbago ang kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan, bagkus ay mas lalo pa nga siyang naging kahanga-hanga, sapagkat napanatili nga niya ang mga ito.

Photo Credits: Marian Rivera | IG

Samantala, hanggang ngayon nga ay patuloy pa ring hinahangaan ng marami ang taglay na kagandahan at kaseskihan ni Marian. Kagaya na lamang nga ng bagong upload na video ng Kapuso actress nito lamang nakaraan sa kanyang Instagram account, kung saan kaagad nga itong binaha ng napakaraming papuri mula sa mga netizen dahil nga sa kanyang kahanga-hangang ganda sa kabila ng lavish outfit niya at pagiging simple.

Photo Credits: Marian Rivera | IG

Makikita sa short video clips ni Marian na siya ay simpleng umaawra habang nakasuot ng tila feather dress na kulay pink, at talaga namang nakaka-wow ang ganda ng tinaguriang Kapuso Primetime Queen.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng papuri ng mga netizens sa video ni Marian Rivera kung saan ay masisilayan nga ang kahanga-hanga nitong kagandahan sa kabila ng kasiplehan.

Photo Credits: Marian Rivera | IG

“Your aura is super fresh.”
“Ang ganda! Queen of GMA.”
“so beautiful. Ma’am Marian.”
“Sobrang ganda namarn Ate Yan.”

Photo Credits: Marian Rivera | IG

Kaagad ngang nag-viral ang short video clips na ito ni Marian, kung saan sa panahon nga na ang artikulong ito ay sinusulat ay umabot na sa 80,000 reaksyon ng likes ang mayroon ito.
Pati nga mga kapwa celebrity ni Marian ay hindi rin napigilan ang purihin ang taglay na kagandahan ng Kapuso actress, kagaya na nga lamang nina Kevin Miranda, Cassy Legaspi at marami pa ngang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *