Kathryn Bernardo, Ipinasilip ang Kaniyang Bagong Studio

Si Kathryn Bernardo ang isa sa mga pinakasikat na artista ngayon kasama ang kaniyang katambal na si Daniel Padilla. Dahil sa kaniyang kasikatan, kaliwa’t kanan ang kaniyang mga proyekto, guestings, at endorsements.

CREDITS: Kathryn Bernardo |YT

Bilang selebrasyon ng kaarawan ni Kathryn ngayong taon, niregaluhan siya ng kaniyang nanay na si Mommy Min ng isang studio. Ngayon, magagamit na ito ng aktres sa kaniyang mga photoshoots, meetings, at vlogs.

CREDITS: Kathryn Bernardo |YT

Ngunit dahil sa ganda ng studio ay itinuturing na rin ito bilang tambayan ni Kathryn. Sa isang vlog, nagkaroon ng studio tour ang aktres upang ipakita ang kaniyang bagong property.

Pagpasok pa lamang sa studio ay makikita agad ang isang gazebo at garden na personal na inayos ni Mommy Min. Ayon kay Kathryn, dito niya pinipiling magpahinga pagkatapos ng kaniyang mga trabaho. Hindi naman ito nakapagtataka dahil totoong mukhang nakakarelax ang parte ng studio na ito.

CREDITS: Kathryn Bernardo |YT

Perpekto rin ito bilang workout area ng aktres. Mayroon ding conference room ang studio na ito kung saan nagtatrabaho ang team ni Kathryn. Dito rin ginaganap ang ilang meetings kasama ang kanilang mga kliyente.

CREDITS: Kathryn Bernardo |YT

Hindi rin mawawala ang makeup at wardrobe space sa ikalawang palapag. Bukod sa komportableng makeup space, kapansin-pansin din ang espasyo na nakalaan para sa team ni Kathryn kung saan maaari silang magpahinga. Talaga namang maging ang maliliit na detalye na ito ay pinagplanuhan nang mabuti, hindi lamang para kay Kathryn, kundi na rin para sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho.

CREDITS: Kathryn Bernardo |YT

Pagdating naman sa mga disenyo at dekorasyon, tiniyak nilang komportable at mukhang bahay ang studio na ito. Nabanggit ni Kathryn na gusto niya ang French doors ng studio dahil bagay ito sa black and white na color palette ng lugar. Gumamit rin sila ng malalaking mga bintana upang magkaroon ng natural light ang studio.

CREDITS: Kathryn Bernardo |YT

Ibinahagi rin ni Kathryn na nag-iisip pa lamang sila kung ano ang perpektong maipapangalan sa studio na ito. Nagbigay naman ng magagandang suhestiyon ang mga fans ng aktres. Pinuri din siya ng ilan pang mga netizens dahil sa ganda ng studio. Bawat detalye ng studio ay pinag-isipan nang mabuti upang maging maayos at komportable ang pagtatrabaho hindi lamang ni Kathryn kundi pati na rin ng kaniyang buong team.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *