Kapuso Actress Jennylyn Mercado, Ibinida ang 36-Weeks Baby Bump Niya sa Kanyang Soon-to-be-Mine Me

Ilang buwan lamang ang matuling lumipas matapos na masayang i-anunsyo ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa publiko na ipinagbubuntis niya ang panganay na anak nila ng asawa na niya ngayong si Dennis Trillo.

Photo Credits: Jennylyn Mercado| IG

At nito lamang nga ay proud namang ibinida ni Jennylyn sa kanyang social media post, na ngayon nga ay halatang-halata na ang kanyang baby bump, na ang ibig sabihin lamang ay lumalaki na nga ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Magmula nga ng i-anunsyo ng mag-asawang Jennylyn at Dennis na sila ay magkakaroon na ng supling, ay talaga namang marami sa kanilang mga tagahanga at tagsubaybay ang excited ng masilayan ang magiging anak nila.

Photo Credits: Jennylyn Mercado| IG

Samantala, bago pa man nga isinapubliko nina Jennylyn at Dennis noon ang pagbubuntis ng Kapuso actress, ay naging usap-usapan na ito sa social media.

Matatandaan din na ng aminin ng dalawa sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn, ay inilahad din nila na bago pa nila malaman na nabuntis si Jen sa natural na pamamaraan, ay binalak pa nga nila na sumailalim sa surrogacy.

Photo Credits: Jennylyn Mercado| IG

Kuwento nga ng dalawa, dahil sa matagal na nilang gustong magkaanak at tila hindi sila nabibiyayaan ay naisipan nilang sumailalim sa surrogacy, nagtungo pa nga umano sila sa ibang bansa para rito.

Ngunit, isang magandang biyaya nga ang hindi nila inaasahan na ibibigay sa kanila, at ito nga ay ang kpagdadalang-tao ni Jennylyn.

Photo Credits: Jennylyn Mercado| IG

Dahil sa naging maselan ang pagbubuntis ng Kapuso actress ay doble ingat talaga sila. Kinailangan nga ni Jennylyn na itigil muna ang proyektong kanyang ginagawa, upang magpahinga hanggang sa tuluyan siyang makapanganak, upang masigurado ang kaligtasan ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

Photo Credits: Jennylyn Mercado| IG

Sa kasalukuyan nga ay 26-weeks pregnant na si Jennylyn, at sa kanyang social media ay proud niyang ibinida nito lamang nakaraan ang kanya ng lumalaking baby bump.

Makikita sa Instagram account ng Kapuso actress ang naging pagbabahagi niya ng kanyang mirror shots, kung saan kitang-kita na ang lumulubo na niyang tiyan.

Photo Credits: Jennylyn Mercado| IG

Inaasahan na nga ng lahat na ang magiging sanggol nina Jennlyn at Dennis ay isang baby girl, ito ay matapos nilang magkaroon ng gender reveal ng kanilang baby noong araw ng kanilang pag-iisang dibdib sa pamamagitan gender reveal cake.

Marami namang netizens ang ikinatuwa ng makita ang larawan ni Jennylyn, dahil maliban sa nasilayan na maayos ang kalagayan ng pagbubuntis ng aktres at kita rin na blooming na blooming ito ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *