John Lloyd Cruz, Ipinasilip ang Kaniyang French-Mediterranean-Themed na Mansyon sa Antipolo City

Si John Lloyd Cruz ang isa sa mga pinaka-respetadong aktor sa showbiz. Nagsimula siya sa pagiging aktor sa murang edad pa lamang at unti-unti rin naman siyang sumikat. Bagamat pansamantalang huminto si John Lloyd sa kaniyang trabaho, hindi pa rin malilimutan ang kaniyang mga naging pagganap sa mga palabas gaya ng One More Chance, A Very Special Love, at You Changed My Life. Sa mga pelikula rin na ito nagkaroon ng parangal si John Lloyd. Tinanghal siya bilang Box-Office King mula 2007 hanggang 2009.

Photo credits: John Lloyd Cruz | IG

Sa haba ng mga taon ng pagtatrabaho ni John Lloyd sa showbiz, hindi na nakakagulat na nakapagpatayo na siya ngayon ng isang French-Mediterranean-themed na mansyon sa isang subdivision sa Antipolo City. Sinasabing may lawak na 1,100 sqm. ang property na ito. Inspirasyon umano ni John Lloyd ang mga bahay sa Los Angeles at naisakatuparan naman niya ito sa tulong ng mga architects na sina Danny Lucas at Roland Andres.

Photo credits: realliving.ph

Sa pagpasok pa lamang sa bahay na ito ay kapansin-pansin na agad ang lawak nito. Bagamat kakaunti lamang ang mga dekorasyon, nagbibigay ang ilang simpleng disenyo ng eleganteng itsura sa bahay. Maging ang maliliit na detalye sa bawat parte ng bahay ay pasok sa eleganteng tema at disenyo ng mansyon.

Mukha ring komportable ang aktor habang siya ay naghahanda ng pagkain dahil sa malawak na espasyo ng kaniyang kusina. Kumpleto rin ito ng mga kailangang kagamitan. Makikita naman sa dining area ni John Lloyd ang isang 10-seater na lamesang gawa sa narra.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Napakaganda rin ng view sa parte ng bahay na ito sapagkat makikita mula rito ang pool at garden.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Dagdag pa sa napakagandang garden at pool ay ang pond para sa mga alagang Koi fish ng aktor. May lalim itong four feet at makikita sa porch ng bahay.

Talaga rin namang pinaggastusan ni John Lloyd ang kaniyang kwarto na makikita sa ilalim ng staircase. Sinasabing nagkakahalaga ng P75,000 ang nagastos ng aktor para lamang sa kwarto na ito.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Bukod sa mansyon ay may hiwalay ring guest house ang property kung saan maaaring mamalagi ang kaniyang mga bisita.

Photo credits: realliving.ph

May sukat itong 80 sqm. at may sariling sala, dining area, kusina, banyo, at dalawang kwarto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *