Jodi Sta. Maria , Pinawow ang Mga netizens sa kanyang taglay na kaseksihan Suot Ang kanyang Bikini Outfit habang Nagbabakasyon sa Boracay

Ang aktres na si Jodi Sta. Maria ay may natatanging husay sa pag-arte. Bawat eksena nga ay talagang kabibiliban, kung saan ang kanyang husay ay talagang nangingibabaw. Kilalang-kilala na siya ng publiko lalo na nga sa mga teleserye na kanyang pinagbibidahan.

Photo Credits: Jodi Sta. Maria|IG

Maliban sa kanyang husay sa pag-arte ay taglay rin ni Jodi ang isang mukha na may angking ganda. Kaya naman, hindi rin siya nagpapahuli sa mga artistang may mga magagadang mukha at kaseksihan. Kahit nga 39 anyos na ay masisilayan parin sa aktres ang napakagandang mukha at seksing katawan.

Photo Credits: Jodi Sta. Maria|IG

Kamakailan lamang nga, ay pinabilib ni Jodi ang madla matapos masilayan ang magandang kurba ng katawan suot ang kanyang bikini outfit. Enjoy na enjoy kamakailan ang aktres sa kanyang bakasyon sa Boracay kasama ang kanyang nag-iisang anak na si Thirdy. At habang nasa bakasyon nga, ay ipinamalas ni Jodi ang kanyang taglay na kaseksihan.

Photo Credits: Jodi Sta. Maria|IG

Hindi naman maikakaila na kahit abala ang aktres sa kanyang teleseryeng The Broken Marriage Vow, ay may oras parin siya para mag-work out upang mapanatili ang kanyang fit at seksing katawan. Isa ngang malaking patunay riyan ang mga larawan na makikita sa latest post ni Jodi sa kanyang Instagram.

Photo Credits: Jodi Sta. Maria|IG

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na nagsisilbing travel buddy ni Jodi si Thirdy, at hinahangaan ng marami ang kanyang pagiging hands-on mom sa kanyang unico hijo. Ngunit maliban rito ay inspirasyon rin ang hatid ng 39-taong gulang na aktres sa mga inang tulad niya na nagagawa paring mapangalagaan ang katawan kahit na abala sa pag-aalaga ng pamilya, at abala rin sa trabaho.

Photo Credits: Jodi Sta. Maria|IG

Sa magkakasunod na post ni Jodi sa kanyang Instagram account habang nasa beach ng Boracay, ay makikitang napakaseksi niya suot ang kanyang nagagandahan ring bikini outfit. Agad namang inulan ng komento na puno ng paghanga at papuri ang kanyang mga larawan na nagpapakita ng kanyang kaseksihan. Ilan nga sa mga celebrities na nagpahayag ng kanilang paghanga sa taglay na kaseksihan ni Jodi ay sina Sue Ramirez and Jane Oineza, Kaye Abad at Raymart Santiago.

Photo Credits: Jodi Sta. Maria|IG

Makikita rin sa social media ni Jodi na ibinabahagi rin niya ang kanyang ginagawang pagwowork out para mapanatili ang kanyang fit and healthy body.

Photo Credits: Jodi Sta. Maria|IG

Sa ngayon ay mapapanood si Jodi sa primetime series ng ABS-CBN na The Broken Marriage Vow kung saan gumaganap siya bilang Dr. Jill Ilustre. Ang nasabing teleserye ay Philippine remake ng BBC award-winning drama na Doctor Foster at sikat na South Korean series na The World of the Married.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *