Jodi Sta. Maria, Inamin Na P1,500 Lang Ang Talent Fee Noon, At Nagbenta Ng Popcorn Para Kumita Ng Pera

Ang aktres na si Jodi Sta. Maria ay isa sa pinakamatagumpay na artista sa industriya ng showbiz ngayon. Ngunit, bago niya narating ang tinatamasang tagumpay ngayon ay hindi rin naging madali ang kanyang pinagdaanan. Kamakailan lamang nga, ay binalikan ng aktres ang dating buhay noon at kung paano siyang nagsimula siya showbiz.

CREDITS: Karen Davila| YT

Kwento nga ni Jodi sa panayam sa kanya ni Karen Davila, bagama’t mahiyain siya ay mahilig siyang mag-perform sa maraming tao. At ito nga ang dahilan kung bakit agad siyang napansin ng isang talent scout. Magmula nga noon ay naging suki na ng mga go-see o audition ng mga commercial si Jodi. Ngunit, sa kanyang pag-aaudition sa mga commercial ay hindi siya pinalad.

CREDITS: Karen Davila| YT

Hindi naman sumuko sa pag-abot ng kanyang mga pangarap ni Jodi. Hanggang sa muling tumawag sa aktres ang talent scount na nakadiskubre sa kanya. Sa pagkakataong ito ay sinubukan naman niyang mag-audition bilang bahagi ng Star Magic para maging isa nang ganap na artista. Ayon nga kay Jodi ay nag-audition siya sa bagong batch ng Star Circle 7, pero ayon sa aktres ay hindi siya natanggap nang sandaling iyon.

CREDITS: Karen Davila| YT

Samantala, naikwento naman ni Jodi ang tungkol sa kanyang talent fee na umaabot lamang ng P1,500. Kasama naman ni Jodi ang kanyang ina na siyang tumutulong sa kanya sa kanyang mga pangangailangan. At hangga’t, maaari nga raw ay pinagkakasya nila ang sahod ng kanyang ina para makatipid.

“Nagtiyaga, Karen. Kasi nun’ng time na ‘yun kasi I remember ang pinakaunang talent fee ko is 1,500 pesos. Before, kapag pupunta ka ng shoot, bitbit mo lahat. Bibigyan ka nila ng requirements. So, kami ni Mama, kung ano lang ang mayroon dito, kasi wala naman kami maraming clothes, eh”

CREDITS: Karen Davila| YT

Sa nasabing panayam rin ay naibahagi ni Jodi ang kanyang buhay bago pasukin ang mundo ng showbiz. Kwento nga ng aktres, ay pinalaki silang magkapatid ng kanyang single mom na ina sa tulong ng kanyang lola. Kaya naman, sa murang edad ay natuto na siyang dumiskarte kung paano kumita ng pera. Pagbabahagi ni Jodi ay nagbebenta sila ng popcorn sa school.

CREDITS: Karen Davila| YT

We were raised singlehandedly by my mom pero my Lola has always been there na naging supportive kay Mama. So, it was just me, my Kuya, my Lola, and my mom,” ani Jodi.

“Tapos doon sa pagiging raketra sa school, nagbebenta kami ng popcorn. Kasi dun namin kinukuha ‘yung pangbaon namin. So, 4 a.m. gigising si Mama, gagawa siya ng parang butter, ng brown sugar, tapos may candle para pangclose ng plastic tapos ibebenta namin per pack ng twenty pesos ‘yan,” pagpapatuloy pa niya.

CREDITS: Karen Davila| YT

Naikwento rin ni Jodi na dumating ang puntong ipahinto sila ng paaralan sa pagbebenta dahil naging kakompetensya na daw nila ang canteen ng school.

Kahanga-hanga naman talaga ang isang tulad ni Jodi Sta. Maria na sipag at tiyaga ang naging puhunan para marating ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon.
YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *