James Reid, Mag “For Good” na Ba sa Ibang Bansa? Lilisanin ang Pilipinas at Magtutungo sa Los Angeles Para Bigyang Katuparan ang Kanyang Pangarap

Maraming mga tagahanga ngayon ng aktor na si James Reid ang nagtatanong kung tuluyan na bang lilisanin ng aktor ang Pilipinas at maninirahan na nga ba ito ng ‘foor good’ sa Los Angeles. Ito ay matapos na kumalat nito lamang nakaraan sa social media ang mga larawan ng naging despidida para kay James ng kanyang mga kaibigan.

Photo Credits to the owner

Sa mga larawang kumalat sa social media ay masisilayan nga na kasama ng aktor ang kanyang mga malalapit na kaibigan. May larawan pa nga ng cake kung saan ay nakasaad ang katagang, “Bon Voyage and Good Luck, James Reid”.Makikita rin sa Instagram stories mismo ni James ang pagbabahagi niya ng larawan ng nasabing dedication cake ang para nga sa kanyang panibagong journey na haharapin sa kanyang pagtungo sa ibang bansa.

Photo Credits to the owner

Samantala, sa tweet naman ni @livelikepotter na tila isa sa mga tagasubaybay ng aktor ay inilahad nga nito na nagkaroon ng despidida party para kay James, ito ay dahil sa lilisan na ang aktor patungong LA upang tuparin sa nasabing bansa ang pangarap nito.“they threw james reid’s despidida last night. I know he’s going to leave for LA pero it still can’t wrap my head around it – too surreal, but I’m happy for him & still wish him the very best regardless.

Photo Credits to the owner

To more international collabs, ganaps & being recognized internationally – (@livelikepotter) Feb 11 2022).”
Ilang araw lamang naman ang makalipas matapos na maging laman ng social media ang despidida kay James, ay naging viral naman ngayon ang pag-alis na ng aktor sa bansa patungo na nga ng Los Angeles. Nagbahagi ang kapatid ni James ng isang video, kung saan ay masisilayan ang naging madamdaming pagpapaalam ng aktor sa kanyang pamilya habang sila nga ay nasa airport.

Photo Credits: James Reid| IG

Si James Reid ay isa sa mga hinahangaan at kinakikiligang aktor sa Philippine showbiz industry. Ang kanyang taglay na kagwapuhan at karisma ay tunay namang kilig ang hatid sa maraming mga manonood, lalo na sa mga kababaihan. Maliban pa sa pagiging isang aktor ay isa rin siyang mang-aawit, mananayaw at kompositor.

Photo Credits: James Reid| FB

Ang kanyang tunay na pangalan ay Robert James Marquinez Reid, isa siyang Pilipinong-Australyano na ipinanganak noong ika-11 ng Mayo taong 1993. Nakilala sa showbiz ng siya ay manalo bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Clash noong taong 2010. Sa simula pa lamang nga ng kanyang showbiz career, ay marami na ang sumubaybay sa kanya, kaya naman kung magkaroon man ng pagbabago sa kanyang karera ay paniguradong patuloy pa rin siyang susuportahan ng kanyang mga fans.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *