Isang Single Mom, Nagpaganda at Nagpaseksi ng Husto Matapos Iwan Ng Kanyang Boyfriend

Sabi nga nila “Beauty is in the eye of the beholder”, ngunit ang kasabihang ito ay tila hindi na pinaniniwalaan sa panahon ngayon.

May kanya-kanya tayong hitsura at mukhang nagtataglay ng kakaibang ganda na ipinagkaloob sa atin ng ating Maykapal ngunit sadyang may mga tao talagang mapamintas at mapanghusga sa mundong ating ginagalawan.




Dahil sa sitwasyon na ito, kahit isipin na maganda ka, may mga tao talagang hahamakin at kukutyain ka dahil lamang sa panlabas na kaanyuan.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Kaya naman ang isang single mother ay dinala ng sitwasyong ito upang siya ay magpaplastic surgery para bagohin ang kanyang kasalukuyang pisikal na kaanyuan. Naniniwala siya na ang pagkakaron ng isang surgery, upang mabago ang kanyang kaanyuan ang magbibigay sa kanya ng panibagong buhay at pag-asa.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com




Ang kwentong ito ay mula sa isang Facebook Account ni Huyen, isang 28 taong gulang na single mother na nagmula sa Ho Chi Minh City sa Vietnam. Ibinunyag ni Huyen na dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan ay palagi siyang nakakatanggap ng mga masasakit na salita mula sa ibang tao.

Photo credits: google.com

Ayon kay Huyen, ginagawa umano siyang katatawanan ng ibang tao dahil sa kanyang single eyelids at may kaitimang balat. At mas lalo pa siyang nasaktan dahil mismong pamilya ng ama ng anak niya ay ayaw sa kanya kung saan pinigilan pa ang kanilang kasal kahit pa may anak na sila nito. Kaya naman naghiwalay silang dalawa at pinagsumikapan niyang palakihing mag-isa ang kanyang anak at magsimula ng panibagong buhay.




Ayon kay Huyen, nakiusap umano siya sa kanyang ina na alagaan muna ang kanyang anak at siya naman ay magtratrabaho para sa kanilang gastusin at dadalaw na lamang sa mga ito tuwing weekends. Dahil sa pagsusumikap ni Huyen sa pagtratrabaho, nakapagsimula na rin siyang makapag-ipon ng pera para makapagpaplastic surgery. At naniniwala siya na ito ang magiging susi para mabago ang tingin sa kanya ng mga tao.

Photo credits: google.com

“Since I wasn’t in the best financial situation, I had to start working without much rest after the surgeries.

On the third day after my chest augmentation procedure, I had to endure the pain and go to work. That was the most painful time in my life.”

Samantala, sa loob lamang ng 3 taon ay nakagastos na siya ng mahigit 100,000,000 dong o Php 235,000 sa ibat ibang cosmetic procedures.




Sa ngayon nga ay talagang mamamangha ka sa kakaibang pagbabagong naganap sa kanyang pisikal na kaanyuan. Ayon sa kanya, nagkaroon raw siya ng confidence sa kanyang sarili at ang kanyang napakagandang taglay na kaanyuan ngayon ay malaki ang naitutulong sa kanyang karera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *