Isang Pinay High School Student Mula sa Iloilo, Nadiskubre na ang Aratiles o Sarisa Plant ay Maaaring Magamit Upang Pigilan ang Type 2 Diabetes

Hindi na isang sekreto ang galing at talino ng mga Pilipino pagdating sa siyensya. Maraming mga bagong kaalaman ang natuklasan ng mga Pilipino. Nakakatuwa ring isipin na maging ang mga bata at estudyanteng Pilipino ay unti-unti na ring nakakapagbigay ng kontribusyon sa mga bagong kaalaman na ito.

Isa na rito ang high school student mula sa Iloilo. Sa pag-aaral ng 16 na taong gulang na si Maria Isabel Layson, nadiskubre niyang maaaring maging gamot laban sa Type 2 diabetes ang aratiles o sarisa.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ang aratiles o sarisa ay isang karaniwang prutas na makikita sa bansa. Kilala rin ito sa iba’t ibang mga pangalan gaya ng Jamaican cherry, Panama berry, Singapore cherry, at bolaina yamanaza. Dito naman sa Pilipinas, iba-iba rin ang tawag sa prutas na ito tulad ng datiles, kerson, at manzanitas. Sarisa naman ang tawag ng mga Ilonggo sa prutas na ito. Ayon kay Maria Isabel, epektibo rin hindi lamang ang pagkain ng prutas ng aratiles kundi pati na rin ang paggamit ng mga sanga, dahon, at bulaklak nito bilang panlaban sa diabetes.

Photo credits: google.com

Malaking tulong ang bagong kaalaman na ito lalo na at napakaraming Pilipino ang mayroong diabetes. Bukod dito, ang pag-aaral na ito ni Maria Isabel na, “Bioactive Component, Antioxidant Activity, and Antidiabetic Properties of Muntingia calabura Linn. An In Vitro Study” ay naging susi sa kaniyang pagkapanalo sa 2019 National Science and Technology Fair.

Photo credits: google.com

Hindi lamang dito nagtatapos ang tagumpay ni Maria Isabel dahil nagkaroon din siya ng pagkakataon na maging kinatawan ng bansa sa ginanap na International Science and Engineering Fair sa Arizona, USA. Isa ito sa mga pinaka-prestihiyosong research competition sa buong mundo. Bukod sa malaking pagkakataon na ito, hindi na rin nakapagtataka na nabigyan siya ng Gokongwei Brothers Foundation Young Scientist Award dahil sa kaniyang galing sa larangan ng siyensya.

Photo credits: google.com

Dahil sa mga kabataang katulad ni Maria Isabel na talagang maipagmamalaki ng bansa, hindi malayong magkaroon pa ng mas maraming mga imbensyon at bagong kaalaman na matutuklasan. Ang mga ito ay maaaring makatulong upang masolusyunan ang mga problema sa panahon ngayon. Dahil sa mga katulad ni Maria Isabel, masasabi natin na totoong ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Student scientist studies neglected fruit aratiles as potential diabetes cure

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *