Isang Pamilya Nagpasyang Ipagbili Ang Bahay Sa Manila Para Lumipat Sa Laguna At Nagpatayo Ng Isang Black Farm House

Hinangaan kamakailan ang isang farm house sa Laguna dahil sa kakaiba at napakaganda nitong disenyo. Marami nga sa atin ang naghahangad ng isang simple at tahimik na buhay. At ang buhay na ito, ay sa probinsya lamang natin makakamit.

Photo Credits to the owner

Kaya naman para sa isang masaya at tahimik na buhay, ay nagpasya ang isang pamilya na ipagbili ang kanilang bahay sa lungsod ng Metro Manila, at nagpasyang magpatayo ng isang black farm house sa Laguna.

Sa pagdating ng pandemya sa bansa ay naapektuhan ang negosyo ng pamilya ni Nice Sario dahilan nga para magsara ito. Kaya naman nagpasya silang ipagbili na lamang ang kanilang mga properties at manirahan sa Laguna ng simpleng buhay.

Photo Credits to the owner

Hindi naman madali ang magsimulang muli at magpatayo ng bagong bahay. Kaya naman inisip ni Nice ang mga bagay na dapat isaalang-alang. Ayon nga kay Nice ay naghanap sila ng murang lupa, at magpapagawa lamang sila ng bahay na pasok sa kanilang budget kung saan ay hindi na nga nila kailangan pang mag-apply ng loan.

“The idea is for us to be able to sustain daily living without having to think of monthly recurring mortgage,”ayon kay Nice.

Photo Credits to the owner

At gaya nga ng inaasahan ay nakakita sila ng murang lupa kung saan nga ay maipatayo nila ang kanilang farmhouse na may napakagandang diseyo. Ang bahay ay hango sa Studio McGee, isang design studio na nakabase sa US.

At makikita nga na ang pamilya ni Nice ay mas piniling itayo ang kanilang dream farm house sa lugar kung saan ay pwede rin silang magtanim ng mga halaman at gulay. Ang pangarap nga nilang black farm house ay binigyang katuparan ng mahusay na architect na si Neil Angelo Honorica of Minimalist Architects PH.

Photo Credits to the owner

Ang halos 40 porsyento ng bahay ay nakapokus sa labas na pamumuhay ng pamilya kung saan nga ay may veranda, patio, seating nook at maging outdoor kitchen. Ang labas naman ng bahay, ay talagang agaw pansin dahil sa kulay itim nitong disenyo na lumutang sa gitna ng berde nitong kapaligiran.

Ayon naman sa may-ari ng bahay na si Nice, ang naisip nilang disenyo ng bahay ay mga earth colors katulad nga ng nude at black para lumutang ang kasimplehan nito. At makikita naman ang resulta nitong simple ngunit napakagandang disenyo.

Photo Credits to the owner

Sa bawat sulok nga ng bahay, ay masisilayan ang maganda nitong disenyo na talagang pinag-isipang mabuti magmula nga sa living room, kitchen at dining area, at maging sa mga silid nito. Sa kabuuan nga, ay makikita ang malinis na kapaligiran sa loob ng bahay, at ang bawat kagamitan naman nakaayos ng mabuti sa bawat lagayan.

Photo Credits to the owner

Nakakarelaks ring tumambay sa veranda at seating nook sa labas ng bahay lalo na nga’t napakagandang tanawin ang masisilayan at napakapresko rin ng hangin dito. Tiyak nga na mag-eenjoy ang pamilya ni Nice sa simple ngunit masaya nilang buhay sa kanilang napakagandang farm house.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *