Kamakailan lamang ay naging laman ng social media ang naging pagbubunyag ni Vice Ganda sa publiko na sila ng kanyang partner na si Ion Perez ay ikinasal na, at ito nga ay naganap noon pang buwan ng Oktubre ng sila ay magtungo sa bansang Las Vegas.
Photo Credits: Vice Ganda| IG
Ibinahagi ng tinguriang Unkabogable Star ang masayang pangyayari na ito sa buhay nila ni Ion sa pamamagitan ng isang vlog na pinamagatan niyang “What Really Happened In Las Vegas.”
Photo Credits: Vice Ganda| IG
Siyempre bago ang kasal, ay may proposal na naganap, ngunit ayon nga sa ulat ninais pala ni Ion noon na mag-propose kay Vice via live television ngunit hindi umano ito pinayagan kaya naman labis niya rin itong ikinalungkot. Batid naman natin na naging parte na ng relasyon ng dalawa ang It’s Showtime dahil dito nagsimula ang kanilang pag-iibigan at naging saksi nga roon ang madlang pipol, kaya naman hindi naiwasan ni Ion na malungkot dahil hindi nangyari ang plano niyang proposal kay Vice.
Photo Credits: Vice Ganda| IG
Nito lamang ika-16 ng Pebrero sa programang It’s Showtime kung saan parehong host sina Vice Ganda at Ion Perez ay nagkaroon ng ‘special moment’ ang dalawa. Ito ay matapos na ilantad ng Unkabogable Star sa publiko noong ika-13 ng Pebrero na sila ni Ion ay ikinasal na sa Las Vegas noong ika-19 ng Oktubre taong 2021.
Photo Credits: Vice Ganda| IG
Tunay na marami ang nagulat sa balita na ito ni Vice, at maging mga kaibigan nila ay talaga namang walang kalam-alam sa nangyari dahil maging ang mga ito ay nasorpresa din.
Sa special moment ng dalawa sa It’s Showtime ay kinantahan nga ng singer-songwriter na si Yeng Constantino sina Vice at Ion ng sarili niyang kanta na ginamit din niya noong siya ay ikinasal, ito nga ay ang awitin na isinulat niya na “Ikaw.”
CREDITS: Showtime| YT
Naitanong nga kana Vice at Ion ng mga kasamahan nilang host sa It’s Showtime kung ano ba talaga ang naging tagpo noong nakaraang taon, at dito nga ay inamin ng dalawa na noon pang ika-21 ng Pebrero taong 2021 ng mag-propose si Ion kay Vice at ito nga ay inilihim nila sa publiko.
CREDITS: Showtime| YT
Napag-alaman naman na plano talaga ni Ion na isapubliko ang proposal niya kay Vice dahil nais niya sana itong gawin sa It’s Showtime, ngunit hindi nga ito nangyari dahil hindi siya pinayagan ng management ng nasabing programa, ito nga ay ayon sa kuwento ng kanilang kasamahang host na si Teddy.