“I am grateful, honored, and proud to be your mother”, Proud Mom sa Kanyang Adopted Son na Si Miguel Si Mega Star Sharon Cuneta

Nito lamang araw ng Miyerkules, ika-16 ng Pebrero ay isang ‘heartwarming’ post ang ibinahagi ng beteranang singer-actress na si Sharon Cuneta para sa kanyang adopted son na si Miguel. Sa Instagram post nga na ito ng tinaguriang Mega Star ng showbiz, ay pinasalamatan ni Sharon kanyang adopted child, dahil sa pagbibigay katuparan nito sa kanyang pangarap na magkaroon ng anak na lalaki.

CREDITS: Sharon Cuneta |IG

Ayon pakay Mega, isa sa mga pinaka-maganda at malaking biyaya na natanggap niya mula sa Poong Maykapal ang pagdating ni Miguel sa kanilang pamilya.

“Miguel Samuel Mateo, my only son, YOU are the best gift God Almighty has given to our family – to MAMA. Thank you for being the kind of son I always dreamed I could have. We have the same love language/s and your love has gotten me through some of the toughest times I have had to go through in your twelve years of life. I love you with all of my heart and soul”, ang naging ynang saad nga ni Mega Star sa kanyang IG post.

CREDITS: Sharon Cuneta |IG

Dagdag pa niya, labis niyang ipinagpapasalamat ang pagdating ng anak niyang si Miguel sa kanyang buhay, at proud siya na maging bahagi ng buhay nito bilang ina nito.

“I AM GRATEFUL, HONORED AND PROUD TO BE YOUR MOTHER. Thank you for being MY SON”, ani pa ng ani Sharon.

Si Sharon Cuneta ay isa sa mga pinakasikat na aktres at mang-aawit noong kanyang kapanahunan at maging hanggang sa ngayon ay aktibo pa rin siya sa kanyang showbiz career. Siya ay kasal sa asawa niyang si Francis ‘Kiko’ Pangilinan, kung saan sila ngang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak na babae na sina Frankie at Miel.

Maliban nga sa dalawang anak niya kay Kiko, ay may pinaka-panganay pang anak si Sharon, ito nga ay si KC Concepcion, na ang ama ay dating asawa niyang si Gabby Concepcion, na isa namang aktor.

CREDITS: Kiko Pangilinan |IG

Samantala, si Miguel nga ay ang adopted son ng mag-asawang Sharon at Kiko, at sa ngayon nga ay 12-taong gulang na ito. Matatandaan na noong buwan ng Hulyo taong 2019 sa isa niyang vlog ay ibinunyag ni Sharon na ang anak nga nilang si Miguel ay ipina-adopt sa kanila ng biological mother nito noong ito ay one-day old baby pa lamang, ito ay sa kadahilanan ngang hindi na nila kaya pang matustusan ang pangangailangan ng sanggol.

Ibinahagi rin ni Mega Star, na noon ngang sabihin sa kanya na may baby boy na maari niyang i-adopt, kahit hindi pa niya ito nasisilayan sa personal o sa picture man lang ay hindi siya nagdalawang-isip na i-adopt na nga ang naturang sanggol.

CREDITS: Kiko Pangilinan |IG

“When someone said that there was a baby, it was a boy, hindi na ako nag-isip nang dalawang beses. I didn’t even see a picture of him. Hindi ko alam kung may diperensya siya, kung hindi sampu ‘yung daliri niya. I didn’t even ask’, pagbabahgi ni Mega Star.

Sa huli naman ay sinabi ni Sharon na ng dumating nga sa kanilang buhay si Miguel ay agad ngang napukaw ng sanggol ang damdamin nila ng mister niyang si Kiko, kung kaya naman talagang minahal nila ito na parang tunay na anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *