“Happy Birthday, my Valentino”, Maymay Entrata may Jowa Reveal Kasabay ng Pagdiriwang ng Valentine’s Day

Naging maingay ngayon sa social media ang pangalan ng Pinoy Big Brother Season 7 winner na si Maymay Entrata, ito nga ay matapos na isapubliko ng aktres ang isang larawan niya kung saan ay mayroon siyang kasamang gwapong foreigner na tinawag nga niyang kanyang ‘Valentino’.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Tila nga puno ng pagmamahal at buhay ngayon ang Valentine’s Day ni Mayma, at marami nga sa kanyang mga tagahanga ang labis namang ikinatuwa ito para sa kanya, lalo na’t sa unang pagkakataon nga ay isinapubliko na ng aktres na siya ay mayroon ng boyfriend at ito nga ay isang foreigner na ubod ng gwapo.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Sa pinaka-latest Instagram post nga ng aktres ay kanyang ibinahagi ang isang sweet photo nila ng nasabing foreign guy at ito nga ay kanya pang binati ng ‘happy birthday.’ Ang larawan nga na ito ay ibinahagi ni Maymay sa araw mismo ng Valentine’s Day, ika-14 ng Pebrero taong 2022.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

“Happy birthday, my Valentino”, ang naing saad nga ng 24-taong gulang na Kapamilya actress sa kanyang IG post.

Ayon lumabas na ulat, ang naturang larawan na ito ni Maymay kasama ang di-umanoy boyfriend nga niya ay kuha sa bansang Canada ng magbakasyon nga doon ang Kapamilya actress. Sa naturang larawan ay makikita ang sweet na sweet na si Maymay at ang foreign guy na hindi pa nauulat ang buong pagkakakilanlan, dahil sa magkayakap nga silang dalawa rito.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Matatandaan na noong ika-31 ng Enero ng unang magpahiwatig si Maymay na siya nga ay may nobyo, at ayon nga sa aktres ay ‘Aaron’ ang pangalan ng kanyang karelasyon. Ito nga ay base sa ibinahaging winter photos noon ni Maymay kung saan ang kanya ngang inilagay na pangalan sa kumuha umano ng larawan niya ay ‘Aaron.’

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Marami naman kaagad ang kinilig at nagpahayag ng kanilang suporta para sa buhay pag-ibig nga na ito ngayon ni Maymay, kabilang nga sa mga ito ay ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ng aktres sa mundo n showbiz, kagaya na lamang nina Angelica Panganiban, Bianca Gonzales, Luis Manzano, Maris racal, Janella Salvador at Maja Salvador.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Makikita naman sa komento ni Luis Manzano, na bilang mala-big brother nga nito kay Maymay ay nagbiro nga ito na ipakilala ng dalaga sa kanya ang nobyo nito upang makilatis nga niya ng husto.

“Ano to ano to??? Aba’y ipakilala mo naman sa akin”, ani Luis.

Hindi naman napigilan ni Kim Chiu at ibang mga Kapamilya actress na ipahayag ang kanilang kasiyahan para kay Maymay, ngayon na tila nga nakatagpo ito ng pag-ibig sa katauhan nga ng foreigner na kasama nito sa larawan.

“OMG!!!!! Hala! Ngiga sa pagkagwapa sa akong miga oi!!! Grabe man na 😊 😊 😊 maka happy mana miga!!!! Happy vday miga!!!!”, komento ni Kim Chiu.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Ilan pa nga sa mga celebrity na makikitang nagkomento sa nakakakilig na IG post na ito ni Maymay ay sina Richard Juan, Maris Racal, Ellise Joson, McCoy de Leon, Jessa Zaragoza, Chie Filomino, Dimples Romana, Katrina Velerde, Alora Sasam at Jayda.
May mga netizens at tagahanga rin ang aktres na magpaabot ng kanilang kasiyahan para kay Maymay.

“Happy for you!!!” “@maymay dalaga na!!!!
‘’Masaya ako para sa iyo!!!! Yahoooooooo”
“ayan naaaa!! waaaa so happy for your bespren!! super deserve”
“At lasssst! Huhuhu. Happy Valentine’s sa inyo Dzaaaiii”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *