“First three weeks umiiyak ako gabi-gabi”, Aktor na Si Neil Ryan Sese Ibinahagi ang Naging Hirap ng Simulan ang Kanyang Seafoods Business

Nang magsimula ang paglaganap ng pandemya sa ating bansa, ay isa sa mga naapektuhan nito ay ang ilang mga artista sa entertainment industry, kung saan ilan nga sa kanila ang halos nawalan ng trabaho dahil sa matumal na proyekto sa telebisyon.
Kabilang na nga sa mga ito ang Kapuso actor na si Neil Ryan Sese, na pansamantala ngang nawalan ng proyekto noong sumiklab ang pandemya. At dahil nga sa kawalan ng trabaho, ay naisipan niya ang maghanap ng iba pang mapagkakakitaan, kaya naman pumasok siya sa industriya ng pagnenegosyo ng seafood.

Photo Credits: Neil Ryan Sese| IG

Nang maging panauhin si Neil sa programang “Mars Pa More” kamakailan lang, ay ibinahagi ng Kapuso actor kung paano siya nagsimula sa seafoods business, at kung ano ang mga naranasan niyang hirap noong nagsisimula siya sa nasabing negosyo.
Kuwento niya, mayroon siyang isang kaibigan na matagal ng nanghihikayat sa kanya na pasukin ang nasabing negosyo, at ito nga ay kanyang sinunggaban ng mangyari ang pandemya at pansamantalang mahinto ang mga proyekto niya sa telebisyon.

Photo Credits to the owner

“Ang hirap ng negosyong seafood. Mahilig lang ako sa seafood pero wala akong alam sa business side”, ani ni Neil.

Aminado ang aktor, na noong pasukin niya ang seafoods business ay wala siyang alam sa business side nito. Sa kabila nito, ay pinasok niya pa rin ang nasabing negosyo dahil sa mahilig umano siya sa mga seafoods.Dagdag na pagkukuwento pa ng Kapuso actor, halos gabi-gabi umano siyang umiiyak noon dahil sa hirap na naranasan sa kanyang seafood business.

Photo Credits: Mars Pa More| YT

“Nung nag-start na yung business, grabe ang hirap talaga, nalula ako. First three weeks ko, umiiyak ako gabi-gagbi”, ¬ani ng aktor.

Mas lalo pa ngang nadagdagan ang hirap at emosyon na dinaranas ni Neil dahil sa mga biro na naririnig niya mula sa kanyang mga kaibigan. At pag-amin niya, kahit nga alam niyang biro lang ang mga ito, ay hindi niya maiwasan ang medyo magdamdam.
“May kasama pa, yung mga kaibigan mo pinagtatawanan ka. Na parang, ‘Artista ka tapos ngayon nagbebenta ka ng seafood, nagdedeliver ka pa”, dagdag na kuwento pa nga ni Neil.

Photo Credits to the owner

Tulad naman ng ibang mga negosyante, hindi nagpaapekto si Neil sa mga naririnig niya, kung kaya naman kalaunan ay nalampasan niya ang hirap sa negosyong kanyang sinimulan. Tuluyan din niyang napagtagumpayan ang kanyang seafood business dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan niya sa showbiz, na sumuporta sa kanyang negosyo at umoorder sa kanya.

Photo Credits: Neil Ryan Sese| IG

Nakatulong din umano kay Neil ang naging pag-guest niya noon sa ‘Bawal Judgemental” segment ng Eat Bulaga sa negosyo niya, dahil simula nga noon ay unti-unti pa lalong nakilala ang kanyang seafoods business.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *