“Finally, nakikita ko na ‘yung mga bagay na naipundar ko”, Kristel Fulgar Labis ang Kasiyahan Ngayong Nakalipat na sa Napakaganda at Bagong Bahay na Kanyang Naipundar

Nagbunga na ang lahat ng pinagpaguran ni Kristel Fulgar, at isa nga sa mga patunay nito ay ang naipundar niyang bago at napakagandang bahay, kung saan kamakailan nga lamang ay tuluyan na nilang nilipatan ng kanyang pamilya.

Photo Credits: Kristel Fulgar| IG

Sa buhay ng isang tao ay tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng tahanan, yu’ng maayos at kumportableng matutuluyan at masisilungan niyo ng iyong pamilya. Kaya naman marami sa atin ang talaga namang nagsusumikap sa buhay para maibigay sa ating pamilya ang isang maayos, kumportable at magandang tahanan.

Photo Credits: Kristel Fulgar| IG

Samantala, ang aktres at vlogger na si Kristel Fulgar ay isa sa mga nangangarap lamang noon na magkaroon ng isang magandang tahanan para sa kanyang pamilya. At dahil sa kanyang naging pagsusumikap at labis na pagtatrabaho sa industriya ng showbiz at sa pag-produce ng mga content sa kanyang YouTube channel, ay naging posible nga kay Kristel na mabigayang katuparan ang pangarap niyang tahanan.

Photo Credits: Kristel Fulgar| YT

Matatandaan na ng pasimulan ni Kristel ang pagpapagawa ng kanyang ‘dream home’ ay palagi niya itong inilalabas sa kanyang vlog, kung saan ay naging hands-on talaga siya ng ipagawa ito, kaya naman madalas na updated ang kanyang mga tagasubaybay sa ‘progress’ ng ipinapagawa niyang bahay. At nito nga lamang nakaraan, sa kanyang latest vlog, ay masaya na ipinasilip ni Kristel ang pagbili niya ng mga appliances at furniture’s para sa kanyang bagong bahay. Tila ito rin ang araw kung saan ay tuluyan na nga silang lumipat sa kanyang bagong bahay, kung kaya naman ipinasilip niya rin ang kabuuan ng loob nito sa kanyang vlog.

Photo Credits: Kristel Fulgar| YT

“Finally, nakikita ko na ‘yung bahay na naipundar ko”, ang naging saad ni Kristel sa kanyang vlog.

Ibinahagi rin ng 27-taong gulang na si Kristel na kaya niya ibina-vlog ang ang naging pagpapatayo niya ng bahay na bunga ng lahat ng kanyang naging pagtatrabaho, ay upang makapagbigay isnpirasyon sa marami. Dagdag pa niya, nais din niya na maipakita ito sa kanyang ‘’future children”, upang malaman ng mga ito ang naging pagsusumikap niya para ma-achieve ang pangarap niyang bahay.

Photo Credits: Kristel Fulgar| YT

‘Gusto ko pong ipapanood sa kanila ito para makita nila kung ano ‘yung mga pinaghirapan ko sa buhay. Na simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki, pinaghirapan ko”, ani ni Kristel.

Saad pa ng actress-vlogger, hindi niya lubos akalain na sa edad niyang 27-taong gulang ay makapagpapagawa na siya ng sarili niyang bahay. Hindi rin niya inakala, na magtatagal ang kanyang karera sa showbiz, lalo pa’t batid niya na hindi pang forever ang trabaho ng isang artista.

Photo Credits: Kristel Fulgar| YT

“Hindi ko in-expect na at this age magkakaroon ako ng sarili kong bahay.’
“Hindi ko alam na magiging ganito ako katagal sa industriya ng showbiz kasi baya pa lang ako alam ko nang hindi forever ang showbiz”, aniya pa.

Dahil nga sa hindi naman pang habang-buhay ang pag-aartista at ang kasikatan sa mundo ng showbiz ay talaga namang kumukupas rin, ay pinili nga rin umano ni Kristel na makapagtapos ng pag-aaral, upang kung sakali nga na hindi na siya artista ay may option siya na ipakita ang kanyang talento, galing at abilidad sa ibang larangan.

Photo Credits: Kristel Fulgar| YT

“Kaya nag pursige akong makatapos ng pag-aaral para alam king magkakaroon ako ng trabaho kahit hindi na ako artista”, saad pa ni Kristel.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *