Dingdong Dantes, Ipinasilip ang Nakakakilig na Date Nila ng Misis Niyang Si Marian Rivera Noong Valentine’s Day

Dumaan na naman ang araw ng puso o ang Valentine’s Day, at marami na naman nga sa ating mga celebrity couple ang talaga namang nagbigay kilig sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay ng araw na iyon. Siyempre kabilang sa celebrity couple na ito ay ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

CREDITS: Dingdong Dantes| FB

Talaga namang ‘kilig’ ang naramdaman ng marami ng ibahagi ni Dingdong sa kanyang social media account ang video kung saan ay masisilayan ang naging kaganapan noong Valentine’s Day sa kanila ng kanyang misis na si Marian Rivera.

CREDITS: Dingdong Dantes| FB

Sa Facebook page ni Dingdong ay kanyang ipinasilip ang isang ‘short video’ kung saan ay makikita nga ang kanyang napakagandang asawa na si Marian, na tila labis ang kilig na nararamdaman dahil sa tila nga isang napakaganda at romantikong Valentine’s date ang inihanda niya para rito.

CREDITS: Dingdong Dantes| FB

Makikita rin na mas lalo pang gumanda ang ngiti ni Marian sa video ng iabot sa kanya ng mister niyang si Dingdong ang napakagandang kumpol ng bulaklak. Sa napaka-sweet moments din na ito ng mag-asawa, ay isang matamis na halik ang ibinigay ni Dingdong kay Marian, at sila nga ay nga ay magkayakap pang nagsayaw sa musika ng isang romatikong awitin.

CREDITS: Dingdong Dantes| FB

Agad namang napukaw ng video na ito ng mag-asawa ang damdamin at pansin ng mga netizens, kung saan ay marami ang labis ngang kinilig sa mag-asawa. May ilang mga netizens din ang hindi napigilan ang hangaan si Dingdong, dahil sa ipinaparamdam nitong pagpapahalaga at pagmamahal sa asawa niyang si Marian.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
“So sweet [red heart emoji] happy hearts day..”
“Happy love day, to a nice couple.”
“Awwww so sweet.”
“So sweet naman happy day both of you strong…”
“Awwww so sweet … you’re both adorable. Zia and Ziggy are so luck to have a parents like you. ILY idols!…”

Matatandaan na ang celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay ikinasal noong ika-30 ng Disyembre taong 2014. Ang kanilang pagsasama at pagmamahalan na mag-asawa ay nagbunga na nga ng dalawang anak, kung saan ang mga ito nga ay sina Zia, ang panganay at ang bunso naman ay si Ziggy.

CREDITS: Dingdong Dantes| FB

Kahit naman ilang taon ng kasal ang mag-asawa, ay makikita naman na walang kupas ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Sa kabila ng abala sila pareho sa kani-kanilang karera sa mundo ng showbiz, ay patuloy na nagiging matatag ang kanilang pagsasama, at mas lalo pa ngang tumatamis ang kanilang pagmamahalan. Isa nga sila sa mga pinakahihangaang couple sa industriya ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *