Isang malaking opportunidad nga ang pagtatrabaho sa barko dahil sa malaking kinikita rito. Hindi man ganoon kadali ang buhay ng pagtatrabaho ng malayo sa pamilya ay tinitiis ito ng marami upang mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang pamilya.
Photo Credits: Facebook.com | John Ebreo
Kagaya na lamang ng kwento ng isang dating kusinero sa barko na si John Ebreo, 26 na taong gulang mula sa Sariaya, Quezon. Halos anim na taon na nagtrabaho si John sa barko. Dahil sa kanyang ipinakitang kasipagan at katiyagaan sa buhay ay nagkaroon ng kaginhawaan ang kanyang pamilya.
Sa anim na taon na pagtatrabaho ay nakapundar na siya ng sarili niyang negosyo ito ay ang gasolinahan na siya mismo ang namamahala.
Photo Credits: Facebook.com | John Ebreo
Noong nakalipas na May 2020, sa kasagsagan ng pandemiya ay binuksan ang kanyang negosyong gasolinahan. Kaya nung umuwi siya ng Pilipinas, siya mismo ang nagiging pump boy kapag ang kanyang mga tauhan ay naka-day off.
Photo Credits: Facebook.com | John Ebreo
Ayon kay John, marami raw sa mga nagtatrabaho sa barko na kapag umuuwi ng Pilipinas ay hindi naiipon ang pera dahil sa mga ginastos nito sa mga requirements nila pabalik ng barko kagaya na lamang ng mga trainings. Kung kaya’t siya ay nagpatayo ng kanyang sariling negosyo upang may pagkaabalahan siya sa kanyang pag-uwi habang sila ay nasa bakasyon. Mahalaga para kay John ang makaipon kasi hindi naman habambuhay ay sa barko siya magtatrabaho kaya maganda pa rin ang may nainvest.
Photo Credits: Facebook.com | John Ebreo
Ayon pa kay John namana niya raw sa kanyang mga magulang ang pagiging madiskarte sa buhay at siya lubos na nagpapasalamat sa mga ito. Malaki rin ang naitulong ng pamilya ni John sa kanyang negosyo, dahil ibinenta kasi ng kanyang ama ang kanilang sasakyan upang may ipangdagdag lang sa pagpapatayo ng kanyang negosyo.
Kaya nangako naman si John sa kanyang ama sa darating na 2022 ay papalitan niya ang sasakyan na ibinenta nito para lang sa kanyang negosyo. Kaya naman wala pang 2022 ay napalitan agad ito ni John noong nakaraang taon lamang at ito na ang kanyang naging regalo para sa kaarawan ng kanyang ama.
Photo Credits: Facebook.com | John Ebreo
Ibinahagi niya sa kanyang facebook ang kanyang kwento upang maging inspirasyon sa iba pang OFW na nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Na mahalagang may naiipon para magkaroon ng investment at para ay may pagkakakitaan pa rin kahit mawalan man ng trabaho.
Ika nga niya, walang may gusto na malayo sa pamilya kung ang kapalit naman kaginhawaan sa buhay. Payo ni John na huwag hahayaang mapunta lamang sa mga luho ang perang pinagtrabahuan turuan ang ating sarili na mag-ipon.