Dating Aktres na Si Michelle Madrigal Nakuha na ang Kanyang US Citizenship, Hindi Napigilan ang Maging Emosyonal

Ganap ng ‘American Girl’ ngayon ang dating aktres na si Michelle Madrigal. Nanumpa na bilang isang US citizen ang dating aktres, ito ay matapos niyang makuha ang kanyang US citizenship, kaya naman hindi niya rin napigilan ang maging emosyonal dahil sa napakagandang pangyayari na ito sa kanyang buhay.

CREDITS: Michelle Madrigal | YT

Matatandaan na halos limang taon na rin ang lumipas ng lisanin ni Michelle Madrigal ang bansang Pilipinas, ito ay dahil sa pinili nga ng dating aktres ang manirahan na sa Estados Unidos sa Amerika. Mahaba haba rin ngang panahon ang hinintay ni Michelle para maging ganap na US citizenship, kaya naman ngayon na ito’y nakamit na niya ay labis nga ang kasiyahan na kanyang nararamdaman.

Photo Credits: Michelle Madrigal| IG

Nito lamang araw ng Sabado, ika-12 ng Pebrero ay masayang ibinahagi ni Michelle sa kanyang Instagram account ang panibagong yugto na ito ng kanyang buhay. Proud na ipinakita ng dating aktres sa kanyang Instagram post na natanggap na niya ang kanyang naturalization certificate, ito nga ay sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng kanyang larawan habang hawak ang naturang certificate kung saan siya ay nasa harap mismo ng US Citizenship and Immigration Services habang hawak nga niya ang bandila ng Estados Unidos.

CREDITS: Michelle Madrigal | YT

Samantala, sa isang vlog naman ni Michelle ay kanyang ibihagi ang mga naging karanasan niya bago ang kanyang panunumpa, kung saan ay dumaan nga umano siya sa mga interview.
Pagbabahagi naman ni Michelle, nais niyang magdiwang sa pangyayaring ito, ngunit sa kabila nito ay hindi rin niya naiwasan ang maging emosyonal lalo pa’t madami ngang nangyayari sa kanyang buhay ngayon, kabilang na nga ang naging pagdi-divorce nila ng kanyang dating asawang si Troy Woolfolk.

Photo Credits: Michelle Madrigal| IG

“With the whole thing on like with my divorce and everything, ‘pag may malaking bagay na nangyayari, all you want is to be surrounded with your family”, ani Michelle.

Dagdag pa niya, “Ang bilis nong pangyayari. Just looking back, I realized na parang five or six years na ako dito sa States.”

Matatandaan na taong 2019 ng ikasal si Michelle Madrigal sa kanyang dating asawang si Troy, at taong 2021 naman ng i-anunsyo ng dating aktres na sila ng kanyang asawa ay hiwalay na. May isang anak naman si Michelle at Troy, ito nga ay Anika, na isinilang naman noong taong 2017.

Photo Credits: Michelle Madrigal| IG

Si Michelle Madrigal ay isa sa mga mahuhusay na aktres noon sa mundo ng showbiz, una siyang nakilala ng publiko ng siya ay maging kalahok ng reality search na Star Circle Quest noong taong 2004, kung saan ay naging isa nga siya sa mga finalist nito. Mahigit kalahating dekada din na naging isang Kapamilya actress si Michelle, at ang huli nga niyang naging proyekto sa telebisyon bago niya tuluyang tinalikuran ang kanyang showbiz career ay ng gampanan niya ang karakter ni SPO3 Sunshine Monteloyola sa primtime series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *