‘Copying What Mona Eats’ Ivana Alawi, Inulan ng Paghanga Matapos Gayahin at Sabayan si Mona sa Pagkain ng Healthy Foods

Dati ay madalas nating mapanood sa mga vlogs ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi na nakakasama niya ang kanyang kapatid na si Mona Alawi lalo na sa mga mukbang vlogs. Ngunit, nitong mga nakaraan nga ay hindi na nasisilayan si Mona na kasama siya Ivana. At ito nga ay dahil sa pinagdaraanang karamdaman ni Mona.

Lingid sa kaalaman ng marami, ay may sakit na Type 1 diabetes si Mona kung kaya’t maingat siya sa kanyang mga kinakain para mapangalaagan niya ang kanyang kalusugan. Hindi tulad dati na kahit magmukbang sila ni Ivana, ay ayos lang.

Kaya naman, sa latest vlog ni Ivana ay ipinakita niya ang kanyang pagsuporta sa pinagdadaanang sakit ni Mona, kung saan nga ay sinabayan niya si Mona sa pagkain ng mga healthy foods.

Matagal na hindi nagkita at nagkasama sina Ivana at Mona matapos nga ma-quarantine ni Ivana ng halos dalawang linggo. Kaya naman, sa nasabing vlog, ay makikitang namiss nila ang isa’t isa.

Magmula sa almusal, tanghalian, hanggang hapunan ay sinabayan nga ni Ivana si Mona sa pagkain ng mga masusustansiyang pagkain. Pag-amin ni Ivana ay hindi madali ang kumain ng mga pagkain na tulad ng kay Mona, na bukod sa karamihang gulay, ay sugar free pa. Ayon nga sa aktres, ay hindi siya sanay kumain ng mga healthy foods dahil kapag siya ang kumain ay talagang mahilig siya sa karne. Ngunit, dahil nga kay Mona ay ginaya niya ang mga kinakain ng kanyang kapatid sa loob ng isang araw.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Para sa almusal ay kumain sila ng cereals na banana flavor na hinaluan ng gatas, ngunit ito’y no sugar kaya naman ang lasa nito ay medyo mapait. Hindi nga nagustuhan ni Ivana ang lasa nito, dahil nga ang saging ang pinakaayaw niyang pagkain sa lahat.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Pagsapit naman ng tanghalian ay kumain sila ng chicken salad na hindi nilagyan ng dressing. At ayon naman kay Mona ay mas masarap ibagay ang manok sa salad. Nagustuhan naman ni Ivana ang inihandang salad para sa kanilang lunch, at ito nga ay kanyang naubos.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa nasabing vlog ay ibinahagi ni Ivana na matapos niyang mag-quarantine ng 2 weeks ay negative na ang resulta ng kanyang PCR Test sa Covid-19.

Ikinatuwa naman ni Ivana ang inihandang pagkain ni Mona dahil sa wakas nga ay makakakain na rin siya ng kanin. Para sa kanilang dinner na si Mona mismo ang naghanda ay kumain sila ng lighty bread na gawa sa vegetables, pinaresan naman ito ng broccoli at kanin. Uminom rin sila ng strawberry milk dahil umano sa pagbagsak ng sugar ni Mona. Naenjoy naman ni Ivana ang pagkain nila ng dinner kung saan nga ay pareho nilang ubos.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Masaya nga nilang natapos ang challenge. Bagama’t, hindi nakakain ng nais niyang pagkain si Ivana dahil sa paggaya niya ng mga pagkaing kinakain ni Mona, ay masaya naman siyang nakabonding niya ang kapatid at naranasang kumain ng mga healthy foods. Dahil nga dito, ay hinangaan si Ivana ng mga netizens sa kanyang pagsuporta sa kay Mona. Nakatanggap rin ng papuri si Mona dahil napakaresponsable nito pagdating sa tamang pagkain para mapangalagaan ang kanyang kalusugan.

COPYING WHAT MONA EATS FOR A DAY! | IVANA ALAWI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *