Cherie Gil Tuluyan ng Maninirahan sa Ibang Bansa, Ibinenta na ang Lahat ng Ari-Arian sa Pilipinas at Iniwan na Rin ang Kanyang Showbiz Career

Tunay ngang napakasarap ng pakiramdam kapag ikaw ay namumuhay sa bayang iyong sinilangan, ito ay dahil maliban sa batid mo na ang kultura rito ay kasama mo rin na naninirahan dito ang iyong pamilya at halos kilala mo ang bawat taong nakakasalamuha mo.

Photo Credits: Cherie Gil| IG

Ngunit minsan ay talagang hinihingi nga ng pagkakataon na lisanin natin ang bayang ating kinalakihan, ito ay dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Madalas ngang ang dahilan ng marami sa ating mga kababayan ay dahil sa mas nakikita nila ang magandang oportunidad sa ibang bansa, kaya naman pinipili nila na doon na manirahan. Ang iba naman ay may kani-kanilang personal na dahilan kung bakit mas ninanais nila na sa ibang basta na tumira at tuluyan ng iwan ang buhay nila sa lupang kanilang sinilangan.

Photo Credits: Cherie Gil| IG

Halimbawa na lamang nito ay ang sikat at beteranang aktres na si Cherie Gil, na nito lamang nakaraan ay isinapubliko na tuluyan na nga siyang maninirahan sa United States kasama ang kanyang mga anak, at iiwan na nga nila ang kanilang buhay sa Pilipinas kung saan siya nakilala bilang mahusay na aktres sa mundo ng showbiz.

Photo Credits: Cherie Gil| IG

Kamakailan nga lamang sa isang panayam kay Cherie Gil ng Mega magazine ay ibinahahagi na nga ng aktres na tuluyan na niyang iiwan ang Pilipinas. Sa magazine’s cover din na inilabas ng nasabing entertainment site ay makikita na ang larawan ng beternang aktres kung saan ay mapapansin nga na ito ay nagpakalbo. Kalakip naman nito ay ang paliwanag ni Cherie Gil, at ayon nga sa kanya at tutubo at tutubo pa rin naman ang kanyang buhok, sa kabila ng naging pagpapakalbo niya.

Photo Credits: Cherie Gil| IG

Ibinahagi rin ni Cherie Gil na ang naging pagpapakalbo niya ay simbolo din ng kanyang personal growth. Ngunit batid din natin, na kapag ang isang babae ay nagpagupit ng kanyang buhok, ay isa nga itong senyales o palatandaan na ang isang babae ay dumaan sa paghihinagpis o maraming bagay-bagay na iniisip sa kanyang buhay.
May isang kilala ring entertainment site ang nag-ulat na sa paglisan nga na ito ni Cherie patungo sa ibang banasa ay nabanggit nga umano ng aktres na lahat nga ng kanyang ari-arian sa bansa ay tuluyan na niyang binitawan, dahil sa New York na sila ng kanyang anak maninirahan.

Photo Credits: Cherie Gil| IG

Ayon kay Cherie Gil sa paglipat niya sa United States ay prayoridad niya ang matiyak ang kanyang mental, emotional, at spiritual states. Pagbabahagi pa ng aktres, tila umabot na nga siya sa puntong pagod na siya sa kanyang sarili at tila hindi na siya masaya sa kanyang buhay dahil sa nararamdaman niyang galit, kaya naman agad siyang nagdesisyon na ibenta lahat ng kanyang ari-arian at nag-empake’t lumipad patungong New York.

Photo Credits: Cherie Gil| IG

Dagdag na saad pa nga ng aktres, sa paglipat nga niya sa New York ay hangarin niyang mas ganap niyang mahanap ang kanyang sarili, at tuluyan nga siyang makapagsimula ulit ng isang masaya at maayos na buhay sa nasabing bansa.

Photo Credits: Cherie Gil| IG

Isa sa mga kilalang multi-awarded actress fim at Tv actress si Cherie Gil. Matatandaan na isa sa mga pinaka naging popular na karakter na kanyang ginampanan sa telebisyon ay ang pagiging si Lavinia Arguelles sa palabas noon na “Bituing Walang Ningning”, kung saan ay nakasama niya ang tinaguriang Mega Star na si Sharon Cuneta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *