Bettinna Carlos, Inamin Na Ang Kanyang “Problem with materialism” Ay Nasolusyunan Ng Simple Nilang Pamumuhay Sa Probinsiya

“I am learning to live by essentials” ito nga ang naging pahayag ng aktres na si Bettinna Carlos matapos maranasan ang simpleng pamumuhay ng kanilang pamilya sa probinsiya.

Credits: Bettinna Carlos | IG

Lingid sa kaalaman ng marami ang pamilya ng aktres na si Bettinna ay masaya na ngayong naninirahan sa probinsiya ng La Union. At hindi naman pinapalampas ni Bettinna ang pagkakataon na masilip ng kanyang mga tagahanga ang kanilang masayang pamumuhay sa probinsya.

Sa isang Instagram post nga noong Nobyembre 7, 2021 ay ibinahagi ni Bettinna ang magkakasunod ng video at litrato na kuha sa kanilang simple ngunit napakasayang buhay sa probinsya ng La Union. Ilan nga sa mga masasayang kaganap sa buhay ni Bettina na kanyang ibinahagi ay ang mga “first time” na naranasan nila ng kanyang anak na si Gummy.

Credits: Bettinna Carlos | IG

Malaki rin ang pasasalamat ni Bettinna sa kanyang asawa na si Mikki Eduardo dahil sa pagsuporta at encouragement nito sa kanilang mag-ina sa mga unang bagay na naranasan nila sa probinsya.

Masayang ibinahagi ni Bettinna na sa unang pagkakataon ay natutunan niyang magpatakbo ng motorsiklo nang siya lang mag-isa. Kwento nga ni Bettinna, ay takot na takot siyang magapaandar ng motor, ngunit sobrang saya nang nasubukan at nagawa ito ng mag-isa. Habang ang kanyang anak na si Gummy naman ay nasubukan mag-surf sa unang beses na tanging ang ama lang nito ang kasama.

Credits: Bettinna Carlos | IG

“This week: First time Gummy surfed with just Daddy and first time I drove the motor on my own! Daddy coaching too. Ahhh fear of mah layf!…Pero ang saya pala!”

Maliban nga sa bagong karanasan na ito ni Bettinna, ay masaya rin siya sa kanyang natutunan. At talagang nagpapasalamat si Bettinna sa kanyang asawa dahil sa pagbibigay nito ng lakas ng loob, na huwag matakot na umalis sa kanilang comfort zone.

“Lesson of the week ata ay courage. Thanks Daddy mikki.e.eduardo for always encouraging us to go to try to push to not be afraid.”

Credits: Bettinna Carlos | IG

Matatandaan na sa pagsisimula ng taong 2021, ay nagpasya na sina Bettinna at Mikki na manirahan sa La Union. At isa sa pinakamagandang nangyari sa kanilang bagong buhay sa probinsiya, ay ibinahagi rin ni Bettinna. Sa isang vlog ay inamin ni Bettinna na ang kanyang “problem with materialism”, ay nabigyan ng solusyon nang silay manirahan sa probinsya. Pag-amin nga ng aktres, ay natutunan na niyang mamuhay ng simple at wala ng luho para sa kanyang sarili.

Credits: Bettinna Carlos | IG

Aniya,“I am learning to live by essentials…It’s the people and not the place that makes a house a home.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *