‘At age 5’ Panganay na Anak ng Mag-asawang Neri at Chito Miranda na si Miggy Nagmamay-ari na ng Condo Unit

Muli na naman ngang pinabilib ng wais na misis na si Neri Miranda ang mga netizens nito lamang nakaraan. Ito nga ay ng ibahagi niya sa kanyang social media account, kung paano niya ipinapakita sa anak niyang si Miggy ang magandang halimbawa sa pag-gamit ng perang kinikita na nito sa edad nitong 5-taong gulang.

Photo Credits: Chito Miranda | IG

Nito lamang, araw ng Huwebes, ika-17 ng Pebrero taong ng kasalukuyan ay ibinahagi ng ‘wais mom’ na si Neri na sila ng kanyang asawang si Chito Miranda ay bumili ng isang condo unit para sa kanilang panganay anak na si Miggy. Ayon pa kay Neri, sariling condo na ito ng anak nilang si Miggy, sapagkat ang perang ginamit nila sa pagbili nito ay ang kinikita ng anak nila sa mga ginagawa nitong endorsements.

Photo Credits: Neri Miranda | IG

Sa Instagram ni Neri ay nagbahagi siya ng larawan ng nasabing condo na pagmamay-ari na nga ng limang taong gulang niyang anak na si Miggy. Idinitalye rin niya na ito ay tuluyang mate-turn over sa kanila ni Chito ngayong nalalapit na buwan ng Marso 2022. Dagdag pa niya, isa itong one-bedroom condo unit, na hindi kalayuan sa SM North at TriNoMa sa Quezon City.

Photo Credits: Chito Miranda | IG

“By March matatapos na ang Miggy’s Condo! Yahooooooo!”, ang naging masayang pagbabahagi ng 36-taong gulang na celebrity mom sa kanyang IG post.

Ibinahagi din niya kung paano nga niya nagawang maipunar ang condo unit na ito ng anak niyang si Miggy. Saad pa niya, maganda na habang bata pa lamang ay may investment na ang anak, at kumikita na ito sa sarili nitong negosyo.

“Since may mga endorsement na si Miggy, iniipon ko ang money nya para makapag-invest at mapagkakitaan pa rin. Para habang bata pa, may negosyo na siya.

Photo Credits: Neri Miranda | IG
Tuturuan namin ang mga bata na maging financially literate. I think ayun dapat ang matutunan nating lahat kahit nung bata pa lang tayo eh.”
Ayon nga kay Neri, dapat bata pa lamang ay natuturuan na ang isang tao kung paano ang maging financially literate. Ngunit para nga sa may mga edad, ay hindi pa rin naman umano huli ang lahat, may panahon pa ang mahalaga ay dapat nasisimulan na.

Photo Credits: Chito Miranda | IG

“I think ayun dapat ang matutunan nating lahat kahit nung bata pa lang tayo eh.”

“Pero it’s not too late sa atin kahit anong edad pa tayo. Ang mahalaga, nagsisimula na tayo. [emoji]”

Photo Credits: Neri Miranda | IG

Sa huling parte ng IG post ni Neri, ay sinabi niya na ang Miggy’s condo nga ay magiging negosyo ni Miggy, dahil ito ay kanilang pare-rentahan. Saad pa niya, dahil talagang ipina-ayos talaga nila ito, ay para na ring nag-stay sa hotel ang mag-uupa dito ngunit affordable umano ito, lalo pa’t walking distance nga ito sa mga malls.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *