Andi Manzano, Naging Emosyunal Matapos Matupad Ang Pangarap Na Mabilhan Ng Bagong Sasakyan Ang Kanyang Mga Magulang

Bilang isang mabuting anak ay hangad nating matulungan at mabigyan ng kaligayahan ang ating mga magulang na siyang nag-aruga at nagpalaki sa atin. Sa kanilang hirap at sakripisyo sa atin noon, ngayon na may kakayahan na tayong suklian ito, ay isa nga itong magandang pagkakataon.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Kahanga-hanga naman talaga ang isang anak na ipinapadama ang pagmamahal sa kanyang magulang. Katulad na lamang ng TV host at aktres na si Andi Manzano na kamakailan lamang ay pinasaya ang kanyang mga magulang ng isang regalong matagal nang pinapangarap.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Sa latest vlog ni Andi na kanyang ibinahagi sa kanyang Youtube channel, ay hindi niya mapigilan ang maging emosyunal. Ito nga ay dahil matapos ang tatlong taon na pag-iipon sa wakas nga ay natupad na ang kanyang pangarap para sa kanyang mga magulang na mabilhan ng bagong sasakyan.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Ipinasilip ni Andi sa kanyang mga tagahanga nito lamang ika-23 ng Enero sa kanyang Youtube channel ang ginawang pagsurpresa sa kanyang mga magulang sa tulong ng kanyang asawa. Mapapanood sa video na nagtungo muna si Andi kasama ang kanyang mister sa bilihan ng sasakyan. Bago naman bumili ng sasakyan na pasok sa kanilang budget, ay nag-research naman ang mag-asawa. At para sa kanilang best choice ay naisip nilang Geely Okavango ang bilhin para sa kanyang mga magulang.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Kwento ni Andi ay nakatira sa Antipolo ang kanyang mga magulang kung saan nga ay malayo sa kanilang bahay. Isa rin sa dahilan kung bakit isang sasakyan ang naisip nilang iregalo sa mga ito, ay may kalumaan na ang sasakyan na ginagamit ng mga ito na madalas umanong mag-over heat. Kaya naman, ayon kay Andi ay nagsimula silang mag-ipon ng kanyang asawa noong 2019 para matupad ang pangarap na mabilhan ang kanyang mga magulang ng bagong sasakyan.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Hindi rin napigilan ng mga magulang ni Andi ang mapaluha nang matanggap na ang regalong bagong sasakyan para sa kanila. Labis nga ang tuwa at pasasalamat ng mga magulang ni Andi sa kanilang mag-asawa, dahil nabigyang katuparan na ang pangarap na magkaroon ng bagong sasakyan.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Masayang-masaya rin si Andi, dahil hindi na mahihirapan ang mga ito sa tuwing pupunta sa kanilang bahay. Hindi naman akalain ni Andi na ang binili nilang 7-seater na sasakyan, ay ang sasakyan pala na gustong-gusto rin ng kanyang mga magulang. Sa katunayan nga nito, ay pinag-uusapan lamang nga nila noong nakaraan ang nasabing sasakyan na bukod sa napakaganda ng disenyo ay komportable talaga.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Agad nga nilang sinubukan ang bagong biling sasakyan, kung saan ay ina ni Andi ang nagmaneho. Kinsabukasan, ay masaya naman silang nag-bonding sa park gamit ang bagong sasakyan.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *