Anak ni Marjorie Barretto na si Claudia, Ga-Graduate na Ngayong Buwan ng Mayo sa Kolehiyo sa Ateneo de Manila

Proud mom si Marjorie Barretto sa kanyang anak na si Claudia, ito ay dahil sa darating na buwan ng Mayo, ay magtatapos na nga sa kolehiyo ang kanyang anak.
Tunay ngang kasiyahan ang nadarama ng isang magulang kapag ang kanyang anak ay nakikita niyang unti-unti ng natutupad ang pangarap. Kaya naman ang aktres na si Marjorie, ay labis ang nadaramang kasiyahan dahil ang anak niyang si Claudia, ay magtatapos na ng kolehiyo, sa isang magandang Unibersidad sa ating bansa.

CREDITS: Marjorie Barretto | IG

Nito lamang ika-17 ng Pebrero taon ng kasalukyan, araw ng Huwebes ay masayang ibinahagi ni Marjorie sa kanyang social media account, na magbabalik na sa pagpasok sa paaralan ang anak niyang si Claudia, at magkakaroon na nga ito ng face-to-face, ito ay matapos nga ang halos dalawang taon na ‘online class’ dahil sa pagkakaroon ng pandemya.

“Claudia is going back to face-to-face school! After almost two years. This makes me want to cry!”, ang naging pagbabahagi ni Marjorie sa kanyang social media post.

CREDITS: Marjorie Barretto | IG

Si Claudia ay ang pangatlong anak ni Marjorie, at kasalukuyan nga itong nag-aaral sa Ateneo de Manila University na kumukuha nga ng kursong Psychology. Noon ngang nakaraang taon ay siya ang naging number one sa kanilang klase sa Ateneo, dahil siya ang may pinakamataas na marka.

CREDITS: Marjorie Barretto | IG

Ayon nga kay Marjorie, mula ng magkaroon ng pandemya, at simulan sa ating bansa ang online class ay ngayon nga lamang muli makakapasok sa paaralan ang anak niyang si Claudia, kung kaya naman talagang labis ang kanyang kasiyahan, sapagkat bago nga magtapos ng kolehiyo ang anak ay magagawa pa nitong makatuntong ng paaralan at maka-attend ng face-to-face class.

CREDITS: Marjorie Barretto | IG

“I’m so happy she gets to go to physical school right before she graduates in May. Thank you, Lord”, ani pa ni Marjorie sa kanyang post.

Matatandaan na sa isang vlog ni Majorie, ay naibahagi ng kanyang anak na si Claudia na habang ipinu-pursue nito ang passion niya sa musika, ay nais niya ring i-pursue ang pagtatrabaho sa isang departamento na layunin ay ang development challenged ng mga bata.

CREDITS: Marjorie Barretto | IG

“I want to pursue my music and I also want to work with developmentally challenged kids”, ani Claudia.

Samantala, ayon pa kay Claudia, kaya nais niyang mai-pursue ang kanyang adbokasiya pagdating sa mental health, ay dahil nga sa kanyang sariling karanasan.
“I always like gravitate towards psychology… also because, of my own experience.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *