‘Yes we are kicking her out, Joke’, Dimples Romana Ibinahagi na Maninirahan na Sa Isang Little Home ang Panganay Niyang Anak na si Callie Upang Masanay sa Pamumuhay na Mag-isa

Nalalapit na ngang mag-aral sa ibang bansa ang panganay na anak ni Dimples Romana na si Callie Ahmee. Kaya naman upang masanay ang anak sa pamumuhay ng mag-isa sa ibang bansa, ngayon pa lamang nga ay binigyan na ng personal space ng Kapamilya actress na si Dimples Romana ang anak niyang si Callie.

Photo credits to the owner

Nito nga lamang nakaraan ay isang regalo ang ibinigay ni Dimples sa panganay na anak nila ni Boyet Ahmee na si Callie, kung saan dahil nga sa dalaga na at kolehiyo na ang kanilang panganay, ay binigyan nila ito ng personal space sa kanyang sariling tahanan.
Ayon kay Dimples, binigyan niya ng personal space ang anak niyang si Callie, upang sanayin na ito sa pamumuhay ng mag-isa, lalo na’t may posibilidad na mag-aral ito sa ibang bansa.

Photo credits to the owner

“Sharing with you a milestone we’re super proud of. Ate is officially a young independent woman entrepreneur, college student, future pilot/beauty queen & supermodel (Tama naman! Never limit yourself right ate?)”, ani Dimples sa unang bahagi ng kanyang IG post.

Pagbabahagi pa ng Kapamilya actress ay nakuha na nga ng panganay na anak ang ‘susi’ sa FIRST personal space nito kung saan ay dito nga maninirahan si Callie ng ilang buwan upang masanay na matulog mag-isa, magluto ng para sa sarili niya, asikasuhin at intindihin ang sarili niya.

Photo credits to the owner

“Ate gets the keys for her very FIRST personal space, her own little home that she’s going to live in for a few months to practice – sleeping alone, cooking on her own, looking out for herself, cleaning up etc before she actually leaves for, to live and study there, yes we are kicking her out! Joke”, dagdag na pahayag pa nga ni Dimples.

Photo credits to the owner

Ibinahagi rin nga ni Dimples sa kanyang IG post ang dahilan kung bakit mahabang panahon ang lumipas bago sila nagdesisyon na bigyan ng kapatid ang panganay na anak nilang si Callie. At hindi rin naman nga naging lihim sa lahat na ng maging anak ng mag-asawang Dimples at Boyet ang panganay nilang si Callie ay masyado pa silang mga bata.

Photo credits to the owner

“It’s no secret that @papaboyetonline and I married young and had Ate Callie young too but many wonder WHY we waited 12 long years to decide to have another child (si Alonzo) and the main reason for thet ay NAG-IPON muna kami”, ani ni Dimples.

Ayon nga sa aktres, 12-taon ang lumipas bago nga sila nagdesisyon na bigyan ng kapatid ang panganay na anak nilang si Callie, ito ay dahil sa nag-ipon muna nga silang mag-asawa.

Photo credits to the owner

Dagdag na saad ni Dimples, nang mga panahon na si Callie pa lamang ang kanilang anak, ay gusto nilang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang anak, hindi man marangya ngunit yung sigurado nilang lahat ng pangangailangan nito ay maibibigay nilang mag-asawa.

Photo credits to the owner

“We wanted to Callie a life that was not extravagant, just simple but had everything she needs. And maybe here and there a family trip to a place we’ve all never been to, a nice adventure, a hobby then some.”

Maliban nga sa mag-asawang Dimples at Boyet, ay handang-handa na rin nga ang panganay nilang anak na si Callie sa pagharap sa bagong chapter ng kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *