Yassi Pressman, Pinabilib Ang Madla Matapos Mamili Sa Palengke Nang Walang Kaarte-arte Sa Katawan

“Maganda na, wala pang kaarte-arte”, ganito nga ilarawan ng mga netizens ang aktres at dancer na si Yassi Pressman matapos mamili sa palengke.

Marami nga ang talagang humahanga sa taglay ng ganda ng aktres na si Yassi Pressman, ngunit kamakailan lamang nga ay mas lalong napabilib ang madla matapos masaksihan ang pamimili ng aktres sa palengke ng walang anumang arte sa katawan.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Yassi ang isang video sa kanyang Instagram account kung saan siya’y nagtungo sa palengke ng Pilar, Bohol para mamili ng mga kailangang sangkap sa kanyang lutuin. At nang masilayan ang napakagandang aktres, ay agad naman siyang pinagkaguluhan ng mga market vendors at ng mga mamimili.

Hindi naman na ito nakapagtataka dahil sa bibihirang pagkakataon, ay ngayon lang sila nakakita ng artistang pumunta sa palengke para mamili. Makikita naman sa ibinahaging video ni Yassi na talagang enjoy na enjoy siya sa kanyang pamimili ng hipon sa palengke. At ito nga ay dahil matapos ang mahabang panahon ay ngayon niya lang ulit naranasan ang mamili sa palengke.

Sa caption nga ng kanyang IG post, ay bakas na bakas ang saya ng aktres. Magiliw rin niyang ipinaabot sa mga taga-Bohol ang kanyang pagmamahal.

“YEHEY!!! Nakapamalengke na ulit after so looooooong! Ang saya saya!! Love you mga boholanons!!”saad ni Yassi.

Makikita naman na maliban sa kanyang biniling hipon, ay bumili rin si Yassi ng mga gulay at isda. Nagpakitang gilas rin ang aktres sa pagtanggal ng kaliskis ng isda, at talaga namang game na game at walang kaarte arte ang aktres habang nag-aalis ng kaliskis ng isda.

Hindi rin pinalampas ni Yassi ang pagkakataon na mamigay ng tshirt sa mga tagapalengke. Tuwang-tuwa at labis naman ang pasasalamat ng mga taga Pilar, Bohol dahil nasilayan nila ang aktres at napasaya rin sila nito.

Dahil naman sa ipinakitang kagiliwan ni Yassi sa madla at pagiging down to earth, ay inulan siya ng pagsuporta at komento ng paghanga.

“I love Yassi! Isa siya sa mga pinakasimpleng artista like Andi and Nadine”

“Beautiful person inside and out”

“Ang hirap mo kasabay mamalenke Idol.. sisikip pang lalo hahaha”

“Yaaas!! Yassi walang arte, she’s humble and she’s so kind. Such a beautiful woman inside and out. Mabuhay ka.”

“Sarap ng mga hipon na yan. ganda ng namimili happy for you at nakapamalengke ka na , galing mo pang mgkaliskis ng isda, napaka down to earth mo talaga.”

Ang isang artistang tulad nga ni Yassi ang dapat hangaan ng publiko, na kahit taglay ang kahanga-hangang kagandahan at nakakaangat sa buhay ay napakasimple parin at wala ring kaarte-arte sa katawan. Sa magandang katangian na ito ng aktres na talagang napaka-down to earth, ay hindi na nga nakapagtataka kung bakit marami ang humahanga at walang sawang sumusuporta sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *