‘Walang Ligawan na Nangyari’ Meme Vice Ganda, May Rebelasyon sa Love Story nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez

Sa magkasintahan o mag-asawa, hindi mawawala ang magandang ala-ala sa haba at tatag ng kanilang pagsasama. Minsan hindi natin maikakailang tanungin at pag-usapan ang mga love story ng ating mga lolo at lola, mama at papa o kahit sinong mga taong malapit sa atin.


Image courtesy: Charlene Gonzales/Instagram

Mga sagot at kwentong kinakikiligan natin, dahil gusto nating malaman ang naging istorya ng kanilang wagas na pag-iibigan at pagsasama.

Ang kwentong pag-ibig ng bawat taong nagmamahalan ay hindi lamang patungkol sa saya, kundi ito din ay may kasamang lungkot, pighati at kung paano nila nalagpasan ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay pag-ibig at pagsasama.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Tunghayan natin ang kwentong pag-iibigan ng kilala at pinakamamahal na celebrity couples na sina Aga Muhlach and Charlene Gonzalez.

Kamakailan lamang ay naging trending sa social media ang naging kwento ni Vice Ganda patungkol sa kaniyang naging damdamin, pahayag sa kwentong pag-iibigan ng celebrity couples na sina Aga Muhlach and Charlene Gonzalez.


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Kung ating babalikan, noon lamang nakalipas na Mayo 2020, ay ipinagdiwang ng mag-asawang Muhlach ang kanilang ika-19 na anibersaryo.


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Sa isang episode ng It’s Showtime, naikwento ni Vice Ganda kung paano naging mag-asawa sina Aga Muhlach and Charlene Gonzalez. Nasabi ng kilalang host at komedyante na kahit kailan ay hindi dumaan sa pagiging magjowa o magkasintahan sina Aga Muhlach and Charlene Gonzalez.


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Sa madaling salita, walang ligawan na nangyari. Dahil sa naging pahayag na ito ay nagulat ang isa sa mga host ng It’s Showtime na si Jhong Hilario.


Image courtesy: Charlene Gonzales/Instagram

Kaya naman agad na sinabi ni Vice Ganda na niyaya agad ni Aga si Charlene at deritsahang sinabi na gusto niya itong mapangasawa, at niyaya niya itong magpakasal at dahil doon, pumayag naman agad si Charlene.


Image courtesy: Aga Muhlach/Instagram

Hindi man naranasan ni Charlene na ligawan ni Aga ay makikita naman natin sa ngayon kung gaano naging successful ang kanilang pagsasama at buhay mag-asawa. Ang kanilang wagas na pag-iibigan ay biniyayaan ng maganda at gwapong anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *