Tiny House Ng Mag-asawa Sa Batangas, Nagmistulang Mansyon Sa Ganda, May Sariling Bathtub

Marami sa atin ang naghahangad na magkaroon ng sariling bahay kung saan maninirahan ang ating pamilya. Dahil nga sa laki ng gastos sa pagpapagawa ng bahay ay nauuwi na lamang sa simple at maliit na bahay ang ating dream house.

Photo credits to the owner

Ngunit, pinatunayan ng mag-asawang mula sa Batangas na sina Julius at Smile Garcia na ang simple at maliit na bahay ay pwede palang maging isang napakagandang bahay na maihahalintulad sa isang mansyon.

Ang kanilang kwento na puno ng inspirasyon ay kanilang ibinahagi at ipinasilip rin ang kanilang tiny house na matatagpuan sa Batangas.

Photo credits to the owner

“Wala pa kaming sariling bahay before, it was two or three years ago when we decided to acquire a subdivision lot in Lipa City. However, during the pandemic lockdown we came across youtube videos with regards to tiny houses, doon kami na-inspire,”kwento ni Julius.

Ang mag-asawa ay nakabili ng property sa isang subdivision sa Lipa City. Ngunit, dahil nga limitado lamang ang kanilang pagbudget at may inilaan rin silang timeline, ay nagpasya na lamang ang mag-asawa na magtayo ng “tiny house” sa Padre Garcia, Batangas.

Photo credits to the owner

“Nagsabi rin kasi ako [kay Smile] na on her 40th birthday, doon kami mag-celebrate ng birthday niya sa sarili na naming bahay,”ayon kay Julius.

Pagbabahagi pa nga nito ay maraming Pilipino ang nakatira sa maliliit na bahay, kaya naman naisip nilang mag-asawa na magtayo ng maliit rin na bahay. Ngunit, ang kaibahan nga nito ang kanilang bahay kahit maliit ay hindi magmumukhang maliit at masikip.

Photo credits to the owner

Ang tiny house ng mag-asawa bagama’t maliit ay makikita rito ang kakaibang disenyo kung saan nga ay matutugunan ang kanilang mga pangangailangan. Wala ring sinayang na espasyo sa bahay dahil bawat bahagi nito ay talagang napakinabangan.

Gumamit ang mag-asawa ng materials tulad ng concrete at wood para sa tiny house. At kung ilalarawan nga ang labas na disenyo niyo ay maihahalintulad ito sa isang container van.

Photo credits to the owner

“Sa materials namin we used concrete and wood. And then for those areas na may water, like the toilet, bathroom, and kitchen we used concrete, and for the rest of the house, we used wood framing para magaan lang siya and lightweight. And then for the walls, we used a long span na makapal na yero. Custom na siya, ganoon din ‘yung aking roof.”

Ipinaliwanag rin ng mag-asawa ang kabuuang sukat ng kinatatayuan ng bahay at maging sukat ng bawat bahagi nito. Bagama’t, maliit lamang nga ang sukat nito ay maaliwalas at napakaganda nitong pagmasdan. Agaw pansin naman ang gitnang bahagi ng bahay, dahil sa high ceiling nito para magmukhang malawak at maaliwalas.

Photo credits to the owner

“The bottom floor contains 27 square meters of space, while the second story has 18 square meters of space, including the lofts. Every room is 3 × 3 meters in size, with one living space on the first level, a kitchen, a full bathroom, two lofts upstairs, and one bedroom directly facing the entertainment area on the second level.”

Photo credits to the owner

Napakaganda naman talaga ng tiny house ng mag-asawa. Na kahit maliit ay makikita na rito ang lahat ng kanilang kailangan. Sa bahay nga na ito ay komportable na silang mamumuhay. Sa labas ay tila isang container van, ngunit ang loob naman nito ay maihahalintulad ang ganda sa isang mansyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *