Tingnan ang Yearbook Photo ng Ilan sa mga Hinahangaan at Popular na Filipino Celebrity

Bago pa man magkaroon ng kani-kanilang pangalan sa mundo ng showbiz ang ilan sa mga sikat at popular na artista na ating hinahangaan at iniidolo ay nauna na silang sumabak sa pagiging isang mag-aaral na kinakailangan ipamalas ang kanilang husay at galing sa iba’t ibang asignatura.
At kung matagumpay nga nilang naipasa ang bawat asignatura at nakuha na ang kaalaman sa lahat ng kanilang pinag-aralan ay dito na nga sila magtatapos sa kanilang pag-aaral. Hindi na rin bago sa marami sa atin na kapag guma-graduate nga sa kolehiyo ay nagkakaroon ng ‘yearbooks’, kung saan inilalahad ng bawat mag-aaral na magtatapos ng pag-aaral kung saan nilalagay ang kanilang write-ups. Narito nga ang ilan sa kanila.

Kris Aquino

Photo credits to the owner
– Sa write-up ni Kris sa kanyang yearbook ay masasabi ngang isa siya sa mga ‘quintessential’ 80’s girl noong panahon na siya ay nag-aaral sa kolehiyo.

Maine Mendoza

Photo credits to the owner
– isa ng ‘headturner’ ang tingin ng marami noon kay Maine bago pa man siya maging popular at marating ang kasikatan na kanyang tinatamasa ngayon.

Marian Rivera

Photo credits to the owner
– tila nga walang kakupas-kupas ang taglay na kagandahan ni Marian, dahil kung gaano siya kabataat kaganda noong estudyante pa ay wala pa rin itong pinagbago hanggang ngayon na siya ay isa ng artista at may sarili ng pamilya.
Dingdong Dantes

Photo credits to the owner
– hinangaan naman ang halos tila pagkakapareho ng write-ups nina Marian at Dingdong, kaya maraming nagsasabi na tila itinadahana nga talaga sa isa’t isa ang mag-asawa.

Pia Wurtzbach

Photo credits to the owner
– sinong mag-aakala na ang isang estudyante lamang noong kanyang kabataan ay titingalain ng marami matapos siyang hirangin bilang Miss Universe.

Angel Aquino

Photo credits to the owner
– naging puspusan naman talaga ang pag-aaral ni Angel sa University of the Philippines.

Heart Evangelista

Photo credits to the owner

– tinagurian namang class muse ng drama club noon ang actress-fashion icon na ngayong si Heart.

Carla Abellana

Photo credits to the owner
– isang talented, hardworking at attractive naman ang pagkakalarawan kay Carla sa kanyang yearbooks, na hanggang ngayon ay patuloy naman niyang napapatunayan na ito talaga ang kanyang personalidad.
Sunshine Cruz

Photo credits to the owner
– kung titingnan ang larawan ni Sunshine sa kanyang yearbook ay tunay na noon pa man ay taglay na niya ang kagandahan na hanggayon ay hinahangaan pa rin sa kanya ng marami.

Ellen Adarna

Photo credits to the owner
– sa kanyang write-up ay inilarawan si Ellen bilang isang ‘sassy’, at tila nga naman talagang tunay ito dahil base na rin sa naging Instagram post niya noon ay madalas nga umano siyang nadadala sa Principal’s office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *