Noon pa man, ang mga Pilipino ay talaga namang kinahihiligan na ang pagsali sa iba’t ibang mga patimpalak. Tunggalian man ito ng lakas ng pangangatawan, talino o kahit nga taglay na kagandahan. Mapalaoob o labas man ng ating bansa ay talaga namang wala tayong pinapalampas, lalo na’t kung batid natin na mayroon din tayong ibubuga pagdating sa patimpalak na ating lalahukan.
Photo credits to the owner
Ilang mga parangal at medalya na nga ang naiuwi ng marami nating kababayan para sa ating bansa, ang iba rito ay dahil sa kanilang pagiging kampeon sa larangan ng isports. Ngunit hindi nga lamang sa sports may ibubuga tayong mga Pilipino, sapagkat pagdating sa kagandahan at katalinuhan ay sadyang may panlaban rin ang ating mga magagandang kadalagahan.
Photo credits to the owner
Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na ilang mga Pinay na rin ang nakasungkit ng korona at titulo sa mga prestihiyosong beauty pageants na ginaganap sa iba’t ibang mga bansa. At ang pinaka-popular nga sa mga ito ay ang ‘Miss Universe’ beauty pageant, kung saan ay ilang Pinay beauty queen na rin ang nakasungkit nito at hanggang ngayon ay marami pa rin sa ating mga Pinay beauties ang patuloy na sumusubok na masungkit pa nasabing korona at titulo.
Samantala, pagdating sa usaping beauty pageants, nito lamang nakaraan ay naging usap-usapan ang anak ng power couple na sina Aga Muchlach at Charlene Gonzales na si Athasha Muchlach. Ito nga ay matapos magbahagi ng dalaga sa kanyang Instagram account ng kanyang larawan at video, kung saan ay marami ang nakapansin ng angking kagandahan at tindig niya. At dahil nga rito maraming mga netizens ang nagkomento na ang 21-taong gulang na dalaga ay papasa na isang beauty queen at maari ngang lumahok sa mga prestihiyosong beauty pageant.
Photo credits to the owner
Laking tuwa naman ng mag-asawang Charlene at Aga na makita sa video at larawan ang kanilang napakagandang anak na si Atasha, lalo na’t miss na miss na nga nila ang kanilang kambal na anak sapagkat sa kasalukuyan ay nasa bansang United Kingdom ito at doon nga nag-aaral habang ang kakambal naman nitong si Andres ay nag-aaral naman sa bansang Spain.
“My love.. Miss you… See you soon..”, ang naging komento ni Charlene sa larawan ng anak.
“(Fire emoji)Naman! Haha Happy New Year! See you soon! Love you very much”, ang naging pahayag naman ni Aga na hindi maitago kung gaano ka-proud sa anak.
Photo credits to the owner
Minsan ng ibinahagi ni Atasha sa isang panayam sa kanya noong taong 2019 ang saloobin niya patungkol sa pagsali sa mga beauty pageant, kung saan ay kanya ngang sinabi na sa kasalukuyan ay wala pa talaga siyang plano.
“I don’t mind… Either one is okay”, ang naging kasagutan noon ni Atasha ng tanungin siya patungkol sa pagsali sa beauty queen o pasukin ang mundo ng showbiz.
Photo credits to the owner
Hindi na rin naman kataka-taka na pang beauty queen ang taglay na kagandahan at tindig ng 21-taong gulang na si Atasha Muchlach, sapagkat batid naman ng marami sa atin na ang kanyang ina na si Charlene Gonzales ay isa ring beauty queen na kinoronahan nga noon bilang Binibining Pilipinas 1994.