Unang buwan pa lamang ng bagong taong 2022 ay agad ng nagbahagi ng kanyang ‘first OOTD’ ang Kapuso actress na si Bea Alonzo, kung saan ito nga ay isang all-white OOTD na talaga namang nakaka-fresh tingnan at sadyang bagay na bagay kay Bea.
Photo credits to the owner
Nanatili namang ‘low-key’ style ang Kapuso actress sa kanyang unang OOTD post, sapagkat ang kanyang kasuotan nga lamang ay isang twist bandeau bikini top na kanyang tinernuhan ng kulay puti rin na high-waisted shorts. May suot rin si Bea na monogram print bucket hat, a woven tote at gold bracelets, kung saan ito nga lamang ang tanging accessories na suot niya sa kanyang katawan.
Photo credits to the owner
Sa kabila nga ng pagiging simple ng OOTD ni Bea ay tunay namang lumabas pa rin ang pagiging elegante nito dahil sa husay ng kanyang pagdadala ng kasuotan.
Photo credits to the owner
Samantala, sa mga nagnanais naman na gayahin ang naging OOTD ni Bea sa kanyang naging poolside lounging, ay narito nga ang ilang detalye patungkol sa kanyang fresh all-white OOTD at kung magkano nga ang halaga ng bawat isa.
Ang tote bag ni Bea ay batid naman natin na hindi basta-basta ang presyo, pangalan pa lamang nito ay batid na natin na isa itong mamahaling tote bag. Ang Prada Raffa Tote Bag na kulay puti na gamit nga ng Kapuso actress at binagay niya sa kanyang all-white OOTD ay nagkakahalaga ng $1,590 o kung sa halaga ng pera sa Pilipinas ay aabot ito ng P81,313.28.
Photo credits to the owner
Kung nais niyo rin naman magsuot din ng isang Dior D-Oblique Bucket Hat para sa magiging OOTD niyo na tulad ng sa Kapuso actress na maar ingang magamit bilang resortwear o casual wear, ay nagkakahalaga naman ito ng $1,190 o nasa P60, 881.66 sa Dior.
Isa pa nga sa mga agaw-pansin na suot ni Bea sa kanyang unang OOTD ngayong taong 2022 ay ang kanyang Love Bracelet at Juste un Clou Bracelet, na pareho ngang yellow gold ang kulay. Ang mga ito nga ay mula naman sa isang mamahaling brand ng mga jewelry, walang iba kundi ang Cartier.
Photo credits to the owner
May kasabihan nga na kung mag-iinvest sa jewelry, mas mainam na mag-invest sa quality jewelry na mapapakinabangan mo sa oras ng pangangailangan.
Nagkakahalaga naman ang Love Bracelet in Yellow Gold ni Bea ng $6,800 kung saan ito nga ay aabot sa P393,895.06 at ang Juste un Cou Bracelet naman niya na small model na isang 18k Yellow Gold ay umaabot din sa £2,820 o P195,752.76. Ang mga ito nga ay mabibili sa CARTIER, cartier.com.
Photo credits to the owner
Ayon nga sa mga lumabas na ulat, ang kabuuang halaga ng naging all-white OOTD ni Bea Alonzo sa unang buwan ng taong 2022 ay umabot na kaagad sa P731,842.