Sulyapan ang Napakaganda at Kumportableng Condominium ni Jake Cuenca

Sa mundo ng showbiz ay napakaraming mga gwapong aktor na talaga namang hhinahangaan, iniidolo at pinapantasya ng marami. At siyempre isa na sa mga ito ay ang Kapamilya hunk actor na si Jake Cuenca na tunay na isa naman talagang heartthrob.

Photo credits to the owner
Kilala si Jake sa tunay na buhay bilang si Juan Carlos Cuenca na ipinanganak at lumaki sa San Jose, California. Siya ngayon ay 31-taong gulang na, ngunit hindi ito mapapansin sa kanyang hitsura at pangangatawan sapagkat tunay na napakaganda pa rin ng kanyang pangangatawan at walang kupas pa rin ang taglay niyang kagwapuhan.

Photo credits to the owner
Hindi naman maikakaila na dahil sa mga ipinamalas na angking husay at galing ng aktor sa iba’t ibang karakter na kanyang ginampanan ay talaga naman isa siya sa mga matatagumpay na artista sa mundo ng showbiz. Dahil sa pagiging masinop ni Jake at tamang paghawak ng perang kanyang pinaghirapan ay nakapag-pundar na nga siya ng mga ari-arian, kung saan isa na nga sa mga ito ay ang kanyang condominium na matatagpuan sa Mandaluyong.

Photo credits to the owner
Dahil sa kagustuhan ni Jake ng mas malawak at maluwang na espasyo, ay kanya ngang pinagsama ang dalawang condo unit.
Nang ipasilip nga sa publiko ang loob ng malawak na condo ni Jake sa Mandaluyong ay makikita na hindi lamang ito basta isang maaliwalas at malinis na tahanan, kundi puno rin ito ng mga magagandang muwebles na mula sa iba’t iabang mga furniture stores.

Photo credits to the owner
Ayon sa mga ulat, ang condominium ng aktor ay naging maayos at mas gumanda sa tulong ni Leni Llapitan ng R.A Leveriza & Associates. Ang nasabi ngang condo unit ni Jake ay mayroong lawak na 110 sqm, na kung iyong titignan ay tunay na napakasimple ngunit napaka-eleganteng tingnan dahil sa magagandang kagamitan na matatagpuan dito.

Photo credits to the owner
Kapansin-pansin na tunay na pang-hunk ang tema ng tahanan na ito ng aktor, sapagkat karamihan sa mga muwebles dito ay nakukulayan ng kombinasyon ng kahoy, kulay na itim at kulay na abo. Ang wall naman ay purong puti ang mga kulay.

Photo credits to the owner
Isang kulay na abong sofa ang makikita sa living area ng condo ni Jake at may matingkad na pinturang lila para naman sa entertainment. Wala namang hapagkainan ang kusina ng aktor, bagkus ay makikitaan ito ng isang kitchen counter na nagpasimple ngunit elegante ngang tingnan sa nasabing bahagi ng condo.

Photo credits to the owner
Napakaaliwalas naman ng silid tulugan ng aktor, kung saan ang kanya ngang hinihigaan ay pinasadya pa umano. May bahagi rin sa silid ni Jake na kung tawagin niya ay ang kanyang gaming at entertainment area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *