Sulyapan Ang Matching Outfits Ng Celebrity Couple Na Sina Sam Milby At Catriona Gray Habang Nag-eenjoy Sa Kanilang Bakasyon Sa Africa

Magmula nang ihayag ng magkasintahang sina Sam Milby at Catriona Gray ang kanilang relasyon sa publiko, ay hindi na nga sila maawat na ipakita sa madla kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Sa katunayan nga nito ay palagi silang nakasuporta sa isa’t isa. Madalas ring makita ang magkasintahan na mag-travel sa magagandang lugar.

CREDITS: Catriona Gray| IG

Matatandaan nga na bago mag-host si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Miss South Africa pageant noong Oktubre 16, 2021, ay makikitang nag-enjoy muna sa kanyang pamamasyal ang beauty queen kasama ang boyfriend niyang si San Milby.

CREDITS: Catriona Gray| IG

Makikita na bumisita muna si Catrion sa non-profit organizations Eastern Welfare Association for the Diasbled sa Mauritius at Smile Train sa Kenya. Ngunit, maliban dito ay makikita rin sa social media ang kuha ng mga larawan sa masaya nilang pamamasyal sa Africa. Kahanga-hanga naman talaga ang ganda ng tanawin na hatid ng kalikasan at wildlife, pero higit namang kapansin-pansin sa mga larawan ang kanilang matching outfits na talaga namang bagay na bagay sa kanila.

CREDITS: Catriona Gray| IG

At sa kanilang masayang nga sa Africa ay ibinagay rin nila ang kanilang suot sa rehiyon na bumagay naman sa kanila. Hindi rin maikakaila na nagawang dalhin ng magkasintahan ng maayos ang kanilang kasuotan. Sulyapan ang matching outfits ng magkasintahang Sam Milby at Catriona Gray habang nililibot ang ganda ng tanawin sa Africa.

CREDITS: Catriona Gray| IG

Una nga ay bumisita ang celebrity couple sa Mauritius island para sa kanilang on-screen project nang magkasama bilang celebrity guest sa Amazon Prime Video’s travel show, na Global Child. Nakasama nila ang mga host na sina August Valverde at Kristine Guberman kung saan nga ay nag-eenjoy sa pag-inom ng wine habang sakay ng isang yate. Sa larawan ay makikitang nakasuot ng “airy textured fabrics of ivory” si Sam habang pure white dress naman ang suot ni Catriona.

CREDITS: Catriona Gray| IG

Sa pagpunta naman nila sa Seven Waterfalls Sept Cascades ay suot nila ang matching Global Child merch. Makikita nga na komportable silang suot ang magaan sa katawan at water repellant black logo jacket. Hinangaan rin ang angking ganda ng beauty queen na si Catriona suot ang kanyang glamorosang olive dress strappy. At ito nga ay mula sa Yong studio at ang accessories na terno naman nito ay mula kay Arnel Papa. Ang kanyang boyfriend naman na si Sam, ay pinabilib rin ang marami sa kanyang kakisigan suot ang “short-sleeved, beige linen button-down” na binagayan ng military green pants mula sa COS.

CREDITS: Catriona Gray| IG

Sa highlight naman ng kanilang bakasyon kung saan nasilayan nila ang ganda ng Seven Coloured Earths, ay binagayan naman nila ito ng kanilang matching outfit suot ang plain white tops. Simple naman ang dating ni Sam kung saan ay tenernohan ito ng black necklace at sand-tone trousers. Habang si Catriona naman ay napakagandang pagmasdan suot ang lilac Dia Ali printed romper at binagayan ng chunky, tangerine beaded-collar.

CREDITS: Catriona Gray| IG

Napakaganda rin ng kanilang larawan na kuha kasabay ng sunset sa Four Seasons Resort. Makikita na ang kanilang matching outfit ay kombinasyon ng kulay black, tan, at white. Bagay na bagay nga kay Catriona ang kanyang statement earrings na mula sa Yong Studio na bumagay naman sa floral pattern ng suot ni Sam na damit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *