Connect with us

Entertainment

Silipin: Tiny House na Gawa sa Lumang Container Van, Ipinatayo ng Mag-asawang Negosyante Para Bakasyonan ng kanilang mga Empleyado

Hindi biro ang pagpapatayo ng bahay. Malaking halaga ang nagagamit kahit sa maliliit lang na tahanan. Kaya naman kahanga-hanga ang kwento ng mga taong may mabubuting kalooban na nagpapagawa ng bahay para sa iba.
Ngunit para sa mag-asawang negosyante na sina Gerry at Victoria Evangelista, hindi na ibang tao ang turing nila sa kanilang mga empleyado. Dahil dito, noong nakaraang taon, nagpagawa sila ng tiny house para sa mga empleyado ng kanilang negosyo.




Ayon sa mag-asawa na nagmamay-ari ng Bioskin Philippines at Bec and Geri’s, napagisipan nilang magpagawa ng isang rest house sa kanilang compound gamit ang dalawang lumang container van na may sukat na 20 at 40 ft. Masasayang lang daw ang van kung hindi gagamitin kaya naman naisip nilang pakinabangan ito.

Photo credits: google.com

Pero dahil sa maliit na sukat ng van, napagpasyahan nilang isang tiny house na lang ang ipagawa. Bukod sa mas kaunti ang magagastos na pera, kumpleto sa mga kwarto at kagamitan ang tiny house na ito.

Photo credits: google.com

Sa halagang 1.8 million pesos, natapos agad ang tiny house sa loob ng tatlong buwan at mayroong dalawang palapag, sala, dalawang kwarto at bathroom, outdoor kitchen, balcony, isang mini pool, at patio. Bukod sa lumang container van, karamihan din sa kagamitan ng tiny house tulad ng mga furnitures ay mga recycled at second-hand.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com



Ngunit dahil sa Bohemian na tema ng mga dekorasyon, hindi aakalaing second-hand ang mga kagamitan sa bahay. Maganda rin ang lokasyon ng tiny house. Nasa loob ito ng malawak na compound ng mag-asawa kung saan naroon din ang kanilang opisina kaya naman nagagamit ito ng mga empleyado kailan man nila gustuhin.

Photo credits: google.com

Ang tiny house din ay libre sa kanilang mga empleyado. Walang renta na kailangang bayaran at libre nilang magagamit ang bahay anumang oras. Bukod sa pagiging rest house, nagagamit na rin ito nina Victoria at Gerry bilang pahingahan. Kung minsan din ay ginagamit nila ito bilang conference area at events place para sa mga okasyon ng mga empleyado.

Kita naman sa mga empleyado pati na rin kay Victoria at Gerry kung gaano sila natuwa sa rest house. Kuntento rin ang mag-asawa sa kanilang proyekto. Ipinakita nila na mahalaga ang pagiging malikhain at madiskarte upang magawa ang mga ganitong proyekto.

error: Content is protected !!