Silipin Ang Simple Ngunit Masayang Pamumuhay Ngayon ni Diether Ocampo Bilang Isang Haciendero

Marami ang pinahanga ng aktor na si Diether Ocampo sa taglay niyang kagwapuhan at natatanging talento sa pag-arte. Kung matatandaan, si Diether ay miyembro ng “The Hunks” kung saan ay nakasama niya sa grupo ang mga gwapo at makikisig na aktor tulad na lamang nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Bernard Palanca at Carlos Agassi.

CREDITS: Diether Ocampo| IG

Ang taglay na magandang katangian ni Diether ay hindi nakuha siya dahil taglay niya ang magandang lahing kung saan nga ay may lahing German, Spanish at Chinese. Bago naman sumikat at makilala sa industriya ng showbiz bilang mahusay na aktor, ay nauna naman siyang sumabak sa pagiging dancer at naging miyembro ng bandang Blow kung saan nakilala naman siya bilang Capt. Mongrel.

CREDITS: Diether Ocampo| IG

Nagsimulang umarangkada ang karera ni Diether sa showbiz noong dekada 90. Marami nga siyang naging proyekto mapa-telebisyon man at pelikula. Huli naman siyang napanood sa teleseryeng Bagani kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte matapos gumanap bilang Apo.

Matagal na ngang hindi nasisilayan sa telebisyon si Diether, kaya naman marami ang nagtatanong kung nasaan na siya ngayon at kung ano na ang kanyang pinagkakaabalahan sa buhay. Bagama’t, wala na siya sa showbiz, ay aktibo naman siya sa kanyang social media accounts.

CREDITS: Diether Ocampo| IG

Minsan na ngang nagbahagi ng larawan ang aktor kung saan makikitang may kasama siyang mga kabayo. At hindi nga maiwasan ng maraming tagahanga, na isipin na si Diether ay nagmamay-ari ng maraming kabayo sa North Polo Club, sa Pulilan, Bulacan.

CREDITS: Diether Ocampo| IG

Sa isa niyang Instagram post, ay agaw pansin ang komento ng kanyang tagahanga kung saan sinabi nitong abala ang aktor sa pagpapakain ng mga kabayo at talagang napaka hands on sa kanyang mga alagang kabayo.

CREDITS: Diether Ocampo| IG

Kapansin-pansin rin ang isang post ni Diether sa kanyang Instagram na may caption na “Buhay Pulilan Bulacan” kung saan makikita sa video na may mga kasama siyang mga lalaki, at ang mga ito ay nag-aalaga rin ng mga kabayo. Marami nga ang nagsasabing marahil raw ay natupad na ng aktor ang pangarap nitong maging isang haciendero.

CREDITS: Diether Ocampo| IG

Ayon naman sa mga kumalat na ulat, ay sumali si Diether sa Philippine Coast Guard Auxiliary at ngayon nga ay isa nang Lieutenant Commander ng PCGA. Maliban dito, ay naiulat rin ang aktor na nakatapos ng kanyang seafarer’s training noong nakaraang taon lamang. At ito nga ay naganap sa Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training.

CREDITS: Diether Ocampo| IG

Samantala, sa ngayon ay 47 taong gulang na si Diether, ngunit wala pang lumalabas na ulat patungkol sa kanyang karelasyon. At matatandaan nga na matapos maikasal sa aktres na si Kristine Hermosa noong 2004, at maghiwalay noong 2009, hanggang ngayon ay wala pang ipinapakilalang babae na nagpapasaya sa buhay niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *