Silipin Ang Napakaganda At Talaga Namang Nakakarelaks Na Private Resort Sa Bulacan Na Pagmamay-ari Ng Pamilya Ni Marjorie Barretto

Sa tuwing magbabakasyon nga ay hanap ng marami ang isang tahimik, nakakarelaks at lugar na taglay ang napakagandang tanawin. At ang ganitong klase ng lugar ay matatagpuan lamang sa mga magagandang lugar sa probinsiya.

CREDITS: Rivergardenresthouse|IG

Kaya naman, ang mga sikat na artista sa showbiz, ay talagang naglalaan ng pera mula sa kanilang kinita para makapagpundar ng sarili nilang bahay bakasyunan o kaya naman ay resort. Isa naman talaga itong napakagandang investment, lalo na kapag nilisan nila ang mundo ng showbiz. Napakasarap magpahinga, at enjoyin ang magandang tanawin sa isang tahimik na lugar.

CREDITS: Rivergardenresthouse|IG

Isa nga sa maipagmamalaki ng aktres na si Marjorie Barretto na bunga ng kanyang pagsisikap ay ang family private resort na matatagpuan sa Calumpit, Bulacan. Kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ni Marjorie sa kanyang mga tagahanga ang kabuuan ng resort, kung saan nga masisilayan ang taglay nitong ganda.

CREDITS: Rivergardenresthouse|IG

Sa isang vlog na mapapanood sa kanyang sariling Youtube channel, ay ipinakita niya ang bawat sulok ng resort na tinawag niyang River Garden Resort. Napakaespesyal naman ng resort o rest house na ito para sa pamilya ni Marjorie, dahil ito na nga ang naging tahanan nila noon at dito na lumaki ang kanyang mga anak. Bungad naman ng aktres sa kanyang video, ay nais niyang ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang pribado niyang buhay.

CREDITS: Rivergardenresthouse|IG

“The reason why I’m sharing this rest house with all of you is that little by little I’m sharing a little bit of my private life with all of you,” sabi niya, “I’m sharing this special place with all of you because this is where the kids grew up. We shared so many memories here. We’ve shared several photos, but I know you’re curious how it looks.”

CREDITS: Rivergardenresthouse|IG

Pagbabahagi naman ni Marjorie, ang naipundar niyang property na ito ay isang maliit na property lamang na unti-unting nabuo gamit ang kanyang mga lumang kagamitan.

“It’s a really small property, don’t be fooled. It’s a really simple property, I just really made the most out of it. Sa hilig ko po sa bahay, dahil mahilig po ako mag-interior, mag-ayos-ayos, little by little, napuno naman namin ito with all of my old stuff,” sabi pa nya.

CREDITS: Rivergardenresthouse|IG

Tulad naman ng inaasahan, ay simple at masaya ang buhay sa probinsya. Bukod nga sa tahimik, at napakapresko ng lugar na napapalibutan ng iba’t ibang klase ng halaman, ay sariwa at masustansiya rin ang pagkain dito. Ipinasilip nga ni Marjorie ang isang lugar sa rest house kung saan sila madalas magsalo-salo. At makikita nga na mga pagkaing pangprobinsiya ang nakahain sa kanilang mahabang lamesa.

Hindi naman maitatanggi na makakapagpahinga ng maayos, at mag-eenjoy ang sinumang bibisita sa kanilang private resort. Kaya naman, inimbitahan rin ni Marjorie ang kanyang mga viewers na bumisita sa resort dahil ngayon nga, ay bukas na ito sa publiko para rentahan.
YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *