Silipin ang Buhay ngayon ni Danilo Barrios, Matapos Lisanin ang Kaniyang Karera sa Pag-aartista

Bawat tao may gusto o nais gawin sa buhay. Minsan yung akala nating ginagawa natin ay ito na ang magbibigay sa atin ng kaligayahan. Minsan kahit kumikita tayo ng malaki sa ating trabaho ay nagagawa pa rin nating talikuran ito dahil sa mayroong mas gusto tayong gawin at tahakin.


Image courtesy: Danilo Barrios/Instagram

Isa na rito si Danilo Barrios na dating aktor at isang mananayaw. Ano na kaya ang sitwasyon ng kaniyang buhay matapos lisanin ang mundo ng showbusiness.


Image courtesy: Danilo Barrios/Instagram


Image courtesy: Danilo Barrios/Instagram

Kung iyong natatandaan, ang Streetboys ang isa sa pinakasikat at kilalang dance group noong dekada 90’ na kung saan ay isa si Danilo sa mga miyembro nito at dito siya nakilala dahil sa kaniyang husay at galing sa pagsayaw.


Image courtesy: Danilo Barrios/Instagram

Kasama niya rito ang ilan din sa mga sikat at kilalang mananayaw hanggang ngayon na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.


Image courtesy: Danilo Barrios/Instagram

Hindi lang nakilala sa husay ng pagsasayaw si Danilo dahil bukod dito ay isa din siyang magaling na aktor na kung saan ay lumabas at bumida rin siya sa mga TV series at pelikula bago niya tuluyang lisanin ang mundo ng showbiz.


Image courtesy: Danilo Barrios/Instagram

Dahil sa kaniyang husay at galing ay marami ang humanga sa kaniya na kung saan ay nais ring malaman kung saan at ano na nga ba ang buhay ngayon ng kanilang idolo.


Image courtesy: Danilo Barrios/Instagram

Mula sa mga nakalap na mga balita, matapos lisanin ni Danilo ang mundo ng showbiz ay mayroon na itong pamilya ngayon at may tatlong anak na.


Image courtesy: Danilo Barrios/Instagram

Nagkaroon ng anak si Danilo na nagngangalang Stephanie sa kaniyang unang kinakasama na itinuturing namang anak ng kaniyang asawa ngayon.


Image courtesy: Danilo Barrios/Instagram

Sa ngayon ay abala si Danilo sa pamamalakad ng kanilang negosyo na Tatiomax Pharma Corp., ito ay isang kumpaniya na kung saan ang mga produkto ay mga pampaganda at pangkalusugan at si Danilo ang presidente ng nasabing kumpaniya.


Image courtesy: Danilo Barrios/Instagram

Ikinasal si Danilo Barrios kay Regina Soqueño taong 2013.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *