Maraming mga artista ngayon ang unang beses pa lang na magiging ama. Kilalanin nating kung sino-sino ang mga celebrity actors na ito.
1. Billy Crawford
Si Billy ay ikinasal kay Coleen Garcia at hindi nagtagal sila ay nagkaroon ng anak. Si Coleen ay nanganak ng via water birth. Pinangalanan nila ang kanilang baby na si Amari, sa isang Instagram post ni Billy sinabi niyang mas kamukha ni Coleen si Baby Amari.
Pagbabahagi ni Billy na siya ay lubos na nagpapasalamat dahil dumating sa buhay niya si Coleen. Siya rin ay nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng mga sakripisyo ni Coleen at ipinahiwatig rin niya kung kagaano niya ito kamahal pati na rin ang kanilang anak.
2. Erwan Heusaff
Si Erwan ay asawa ni Anne Curtis at isa siyang food vlogger entrepreneur. Si Anne ay nanganak sa Australia at kanilang baby ay pinangalanang Dahlia Amelie. Ayon kay Erwan, matagal siyang nakapag adjust sa fatherly instincts niya bilang daddy, hindi kagaya ni Anne na mabilis nakapag adjust. Dagdag pa niya, “This is one thing Nico and I were talking about.
We were saying, for dad’s it’s like process to understand what’s happening, for Moms it’s immediate. Like, that connection is forged from Day One. Whereas for dads, it takes a couple of days.”
Sinabi rin niya na may mga moments na hindi niya alam kung paano patatahanin si Baby Dahlia. Kaya’t nagbabasa ito ng mga libro kung paano mag-alaga ng bata upang mas matuto pa.
Nung una ay nakaramdam siya ng takot ng malaman niyang magiging ama na siya ngunit natutunan niya na ang takot na iyon ay bahagi ng pagiging magulang,
“Mix of the need to protect someone, the need to take care of someone… so much happiness, so much accomplishment.”
3. Rodjun Cruz
Naging ama si Rodjun ng ipanganak ng kaniyang asawa na si Diane Medina si Baby Rodolfo Joaquin Diego III.
Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi niya ang kaniyang kagalakan sa paglabas ng kaniyang anak. Ayon sa kaniya, mamahalin niya ito at gagabayan hanggang sa kaniyang paglaki. Sa interview ng mag-asawa sa isang show, sinabi nilang talagang ‘puyat is real’.
4. KC Montero
Ipinakilala ni KC sa kaniyang Instagram post na larawan ng kaniyang baby boy na pinasilip lamang ang mukha at may maliliit na kamay. Sa kaniyang post ibinahagi niya ang kaniyang nararamdam na may caption,
“Your Mom and I have been waiting a long time to meet you”.
Si KC ay ikinasal kay Stephanie Dods at ngayon ay ipinanganak na ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang si Baby Wyatt Cody.
5. Carlo Aquino
Naiba ang mga priority ni Carlo matapos manganak na kaniyang girlfriend na si Trina Candaza. Ayon kay Carlo, lagi niyang iniisip sa bawat desisyon niya ang kaniyang girlfriend ang kaniyang anak na si Baby Enola Mithi dahil siya ngayon ay pamilyadong tao na.
Aniya, “Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na ‘yung sarili mo ‘yung priority mo ‘di ‘yung mag-ina mo na, ‘yung family mo.” “Ang sarap na nagtatrabaho ka para sa kanila. Kasi ito, future ng anak ko ang nakasalalay diba?” “Siyempre gusto mom aging stable, maging maayos kung saan siya mag-aaral, ‘yung mga ganung bagay.” Hindi siya nagalinlangan na ipost ang larawan ng kaniyang ng anak dahil para sa kanya, “Little angel ‘yun eh. Blessing ‘yun. Bakit mo itatago ang ganyan kalaking blessing at happiness sa buhay mo.”
Photo credits: Jose Liwanag | IG
Photo credits: Jose Liwanag | IG
Dagdag pa niya, hindi naman siya nagpo-post para sa ibang tao, nagpo-post siya dahil gusto niya at gusto nila ni Trina na ishare yung kasiyahan nila. Kaya ngayon ang kanilang priority ay ang kanilang baby at kanilang planong pagpapakasal.
6. Nico Bolzico
Si Nico ay asawa ng celebrity actress na si Solenn Heusaff. Silang mag-asawa ay sobrang natuwa ng dumating ang kanilang anak na si Baby Thylane Katana. Ayon sa kaniya, ‘everything is happiness in harmony’ kapag si Solenn ang nagkakarga ng kanilang baby.
Photo credits: Nico Bolzico | IG
Ibinahagi rin niya, kung paano nagiging over protective si Solenn. Kaya sinabi rin niya na magiging over protective din siya paglaki ni baby Thylane lalo pa’t kapag nagkaroon ito ng manliligaw.
Sa ngayon magiging funny dad muna siya habang sumasayaw hangga’t gusto niya.
7. Slater Young
Ang relasyon nila Slater at Kris Uy ay nagbunga ng isang baby girl, ito ay pinangalanan nilang Scott Knoa. Sa isang Instagram post ni Slater, makikita kung gaano ito kasaya bilang isang ama. Isang larawan na pinost ni Slater nung siya ay baby pa ang larawan ng kaniyang anak na si baby Scott ay halos magkamukha sila.
8. JC Santos
Si JC ay ikinasal kay Shyleena Herrera. Sila ngayon ay may baby girl na pinangalanan nilang River Altheia. Ayon kay JC, gustong-gusto niyang inaaalagaan na kaniyang anak.
Kagaya ng mga pagpupuyat, pagbabantay at pagpapalit ng diaper ito ay gustong-gusto niyang gawin dahil nage-enjoy siya lalo pa nung unang beses niya mahawakan ang kaniyang anak. Kaya para kay JC ngayon ang pamilya niya ang kaniyang top priority.
9. Baron Geisler
Si Baron at ang kaniyang asawa si Jamie Evangelista ay nag-eenjoy sap ag-aalaga ng kanilang anak na si Talitha Cumi. Sa isang Instagram post ni Baron, makikita rito kung gaano kasaya si Baron sa kaniyang bagong responsibilidad bilang isang ama.
Sa kaniyang mga post, kung saan makikita ang larawan ng kanilang new born baby girl kasama ang kaniyang asawa mababakas sa kanilang mga mukha ang kanilang kasiyahan.
10. Phil Younghusband
Si Phil at kaniyang asawang si Margaret Hall ay mayroon ng isang baby boy at pinangalanan nila itong Philip James. Ang kaniyang anak ay pinangalanan base sa pangalan ng kaniyang ng ama at ng kaniyang lolo.
Sa isang Instagram post ni Phil, proud na proud siyang ibinahagi ang bagong miyembro ng kanilang Team Younghusband. Siya ay nagagalak ng ligtas ang nagiging panganganak ng kaniyang asawa at ang paglabas ng kaniyang baby. Lubos ang kagalakan ni Phil sa pagdating ng kaniyang anak.