Si Josephine Eusebio Constantino-Asuncion o mas kilala ng lahat bilang si Yeng Constantino ay isang sikat na singer-song writer sa bansa. Sa kanyang husay at natatanging sa talento bilang isang mang-aawit ay talaga namang marami ang humahanga. Kapag naririnig nga ang magandang tinig ni Yeng ay hindi nga maiwasan ang maantig ang ating mga damdamin. Hindi na nga nakapagtataka kung bakit hit na hit ang kanyang mga pinasikat na kanta.
Photo credits to the owner
Samantala, hindi lamang karera ang umaarangkada kay Yeng kundi pati narin ang kanyang buhay pag-ibig sa piling ng kanyang asawang si Victor “Yan” Asuncion, isang fellow musician at worship director sa Victory Christian Fellowship. Sila ay ikinasal noong Pebrero 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite.
Photo credits to the owner
Magmula naman nang maikasal, ay wala namang pinapalampas na sandali ang mag-asawa na mag-enjoy sa piling ng isa’t isa. Maliban naman sa pagiging singer ni Yeng, ay isa na rin siyang vlogger. At sa kanyang sariling Youtube channel nga na may mahigit isang milyong subscribers, ay madalas niyang ibahagi ang masasayang kaganapan at adventure ng kanyang buhay.
Photo credits to the owner
Katulad na lamang nga ng masayang bakasyon kasama ang kanyang asawang si Yan sa magagandang lugar. At kamakailan lamang nga, ay isa na namang masayang bakasyon ang hatid ni Yeng sa kanyang vlog. Matatandaan sa naunang vlog ni Yeng na ibinahagi niya ang pagpunta nila ni Yan sa probinsya para doon ipagdiwang ang pasko at bagong taon.
Photo credits to the owner
Kaya naman, sa latest vlog ni Yeng ay ipinasilip naman niya ang kanyang first glamcamping experience sa kanilang farm. Ayon kay Yeng, ay naisip niyang magcamping sa kanilang farm, dahil hindi raw sila magkasya sa kanilang bahay. Exciting naman ito, at talagang handa naman si Yeng dahil ang regalo sa kanyang tent ay magagamit niya.
Photo credits to the owner
Sa unang bahagi nga ng video ay makikita ang paghahanap nina Yeng at Yan ng lokasyon para sa pagtatayuan ng tent. Medyo nahirapan naman ang mag-asawa sa paghahanap ng lokasyon dahil sa hindi pantay ang lupa, o kaya naman ay may mga punong nakasagabal. Ngunit, sa huli ay nakakita sila ng pantay na bahagi ng lupa sa kanilang malawak na farm. At ito nga ang lokasyon kung saan nakalagay ang mga alagang manok panabong ng ama ng singer.
Photo credits to the owner
Matapos alisin ang mga manok, ay sinimulan na nga nina Yeng at Yan ang pagpatayo ng tent. At makikita naman na mabilis naman nila itong natapos. Sa huling bahagi naman ng video, ay ipinakita ni Yeng ang loob ng tent, kung saan makikitang nakaayos ito at malinis tingnan. Maliban sa electrican fan na konektado sa bahay nila, ay may rechargable fan rin sa loob ng tent. Ipinakita rin ni Yeng ang lagayan kung saan nakalagay ang kanilang mga gamit.
Photo credits to the owner
Sa ganda at linis nga sa loob ng tent, ay tiyak na maayos silang makakapagpahinga rito. Tiyak rin na makakapagrelaks silang mag-asawa dito, lalo na’t tahimik ang lugar.