Sahod ng Vlogger na si Ivana Alawi sa Kanyang YouTube Channel Posibleng Umabot ng Higit pa sa 91 Milyong Piso sa Loob Lamang ng Isang Taon

Ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi, ay talaga namang maraming tagahanga dahil sa kanyang napakagandang mukha at napakaseksing hubog ng katawan. Ngunit, higit namang kahanga-hanga ang kabutihang taglay ng puso ni Ivana na sadyang bukas palad rin sa mga taong nangangailangan.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Ilang ulit na nga nating nasilayan ang kanyang mga nakakatuwa at puno ng inspirasyong mga video na mapapanood sa kanyang Youtube channel. Ang ilan sa kanyang video ay napahalakhak tayo sa tuwa, at may ilan rin namang nagpaantig sa ating mga puso dahilan upang tayo’y mapaiyak.

Walang duda na marami ang taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya. Sa ngayon nga, ay mayroon nang mahigit 12 Million subscribers ang kanyang Youtube channel. Ang mga views rin sa bawat video ay umaabot ng milyon.

At bilang isang sikat at kilalang Youtuber sa bansa, marahil ay marami ang nagtatanong at nais rin talagang malaman kung magkano ang kinikita ng isang Ivana Alawi sa kanyang Youtube Channel.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Ngayon nga, ay ating aalamin kung magkano ang kinikita ni Ivana sa kanyang Youtube Channel, mula sa kanyang estimated daily earnings, monthly earnings at Yearly earnings niya.

Sa ibinahaging video na mapapanood sa “Pics Tsanel”, ay masusing binusisi ang bawat detalye kaugnay sa posibleng kinikita ni Ivana sa kanyang Youtube channel sa pamamagitan ng website na tinatawag na “Social blade”.

Sa nasabing website ay makikita ang impormasyon tungkol sa Youtube channel ni Ivana, mula sa kanyang subscribers, video views, at earnings. Nito lamang ika-16 ng Marso, bago ibahagi ang video sa publiko, ay makikita na may 11.9 Million subscribers si Ivana magmula ng gawin ang kanyang Youtube account noong June 1, 2018.

Makikita naman para sa buwan ng Marso 2 hanggang Marso 15, ay umaarangkada ang views at earnings ni Ivana. Makikita rin dito ang social blade rank ni Ivana na 2,700th rank at country rank na 9th.

Sa loob ng 30 days ay makikita na nadagdagan ng 600K subscribers ang Youtube Channel ni Ivana na katumbas ng pagtaas ng 20%. Patunay lamang nito na napakarami ang taong nagmamahal at sumusuporta sa Youtube channel ni Ivana.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Samantalang ang video views naman ni Ivana sa loob ng 30 days, ay hindi maikakaila ang dami na umabot ng 39.9 Million. Bagama’t, bumaba ito ng 0.8%, ay sadyang napakataas parin ng nasabing bilang. Isang patunay na marami ang tumatangkilik sa kanyang nga videos.

Ang estimated monthly earnings naman ni Ivana ay $10K-$159K o katumbas ng halagang P480,000 hanggang P7,632,000. Kung ganito kalaki ang kita ni Ivana kada buwan, ay tiyak na napakalaki ng kanyang sahod sa Youtube sa loob ng isang taon.

At ang estimated yearly earnings nga ni Ivana Alawi ayon sa Social blade website ay naglalaro sa $119.9K hanggang $1.9M o may pinakamababang halaga na P5,755,200 at pinakamataas namang halaga na P91,200,000.

Talaga namang napakalaki ng perang kinikita ni Ivana sa kanyang Youtube bilang isang vlogger. At ang halaga namang ito, ay talagang deserved ni Ivana, dahil ang perang kanyang pinaghirapan ay siya rin niyang ibinabalik sa publiko sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *