Sa Halagang P500, Isang Negosyante Muling Nakabangon At Naging Milyonaro Matapos Ma-bankrupt

Sa kahit anong larangan ng buhay, ay walang nakukuha sa madali at mabilisang paraan. Katulad nga sa pagnenegosyo, na talaga namang isang malaking sugal kung ito ba ay lalago at magigging matagumpay. Ngunit, sabi niya nila ang isang bagay ay hindi malalaman kung hindi susubukan.

Katulad lamang nga ng kwento ng negosyanteng si Alvin Vince Sahagun na sumubok magnegosyo na bagama’t, nakaranas nga ng hirap at pagsubok sa pagnenegosyo ay muling bumangon at ngayon nga ay isa nang milyonaryo.

Photo Credits: Rated Korina| FB

Sa isang panayam kay ABS-CBN broadcast journalist Korina Sanchez, ay ibinahagi ni Alvin ang kanyang nakaka-inspire na kwento. Sa pagsisimula ng kanyang negosyo kung saan nga ay nagtayo siya ng printing press business, ay talaga namang hindi naging madali ang lahat. Nagtiwala si Alvin na mapapalago niya ang kanyang negosyo kapag namanage niya ito ng mabuti. Ngunit, hindi inaasahan ni Alvin ang unti-unting pagbagsak at pagkalugi ng kanyang negosyo.

Photo Credits: Rated Korina| FB

Dahil nga sa pagpasok ng kanyang mga foreign competitors sa kanyang negosyo, ay unti unti na ring tumumal ang kanyang benta at nawalan na rin siya ng mga customer. Hanggang dumating nga ang araw na kanyang kinakatakutan, ang mabankrupt at mabaon sa utang.

Photo Credits: Rated Korina| FB

Napakahirap nga itong tanggapin para kay Alvin lalo na nga’t ang printing press business ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Sa matinding pagsubok na pinagdaanan ni Alvin, ay dumating ang puntong nagtago siya sa kanyang mga kaibigan at iba pa niyang pinagkakautangan. At matapos ngang mawala ang negosyong kanyang naipundar, ay halos hindi na alam ni Alvin ang kanyang gagawin at kung paano siyang magsisimulang muli sa buhay. Sa matinding pagsubok na ito, ay inamin ni Alvin na halos mawala siya sa kanyang sarili sa kakaisip ng kanyang problema.

Photo Credits: Rated Korina| FB

“Nawalan ako ng karangalan ng time na yun. Minsan di na ako umuuwi ng bahay para magtago. Minsan ko na rin naisipan na mawala na lang sa mundo.”

Ngunit, sa gitna nang pagsubok na kanyang naranasan ay hindi nakalimot na tumawag sa Diyos si Alvin. Nagtungo siya sa isang chapel upang manalangin at humingi ng tulong. At ang sumunod ngang pangyayari ay isang malaking pagbabago sa kanyang buhay.

Photo Credits: Rated Korina| FB

Kwento ni Alvin, ay nakatulog siya at sa kanyang paggising ay may nakalagay na P500 sa kanyang kamay. Dito nga, ay sinimulan na niyang bumangon mula sa pagkalugmok. Sa halagang P500, ay sinubukan niya ang online business kung saan ay naging reseller siya ng food supplements at iba’t ibang klase ng produkto. Hindi nga nagtagal ay dumami ang kanyang mga customers at mga resellers dahilan nga para muli siyang makabangon at maging matagumpay na negosyante.

Photo Credits: Rated Korina| FB

Dahil nga sa kanyang matagumpay na kwento, ay marami ang kanyang nainspire. Ngayon nga, ay nagtuturo na rin si Alvin sa mga entrepreneurs kung paano ang tamang paghawak ng kanilang finances. Ibinahagi rin ni Alvin na ang kanyang adhikain sa ngayon ay tumulong sa mga aspiring entrepreneurs. Ayon nga kay Alvin, ay nais niyang mabigyan ng “better mindset” ang mga tao pagdating sa paghawak ng negosyo.

Pinanghahawakan naman ni Alvin sa kanyang buhay ang tatlong prinsipyo “KKK – Kasanayan, Kabuhayan, Kaunlaran. Ang kwento ko ay nagsimula sa limaang daan. At naniniwala ako na hindi pera ang nagpapayaman sa tao. Kung ano ang gagawin mo sa pera ang magpapabago sa buhay mo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *