Likas sa mga Pilipino ang hilig sa pagtatanim at pag-aani ng mga gulay, prutas, at iba pang mga pananim. Bukod sa pagiging magandang libangan, nakakatulong din ang pagtatanim upang makatipid sa ilang gastusin. Para din sa ilan, nagkakaroon sila ng dagdag na kita sa pagbebenta ng kanilang mga ani.
Katulad ng ilan, pangarap ni Lino Mandigma ang maging magsasaka ngunit kalaunan ay pinili niyang maging isang guro. Habang siya ay nagtuturo sa elementarya, nagtatrabaho naman bilang OFW ang kaniyang asawa sa Italy. Dahil ginusto niyang makasama ang kaniyang asawa sa ibang bansa, iniwan niya ang pagtuturo at nagtrabaho bilang domestic worker sa Italy. Ayon kay Lino, masaya siya at nakasama na niya ang kaniyang asawa.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Proud din siya anuman ang maging trabaho niya sa ibang bansa,
“Sa awa naman ng Diyos, nagkasama kami dito [ng asawa ko]. Kaya kuntento ako kahit ang trabaho ko ay katulong. Anong problema? Basta malinis ang ating trabaho, proud ako sa sarili ko.”
Bukod sa pagiging katulong, nagtatrabaho din siya bilang barbero at magsasaka. Ayon nga kay Lino, hindi mahirap kumita ng pera sa Italy. Kailangan lang magsipag at maging madiskarte.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Matapos nga ang ilang taong pagtatrabaho, ngayon ay may sarili na siyang taniman ng gulay sa inuupahang lupa na may sukat na 150 sqm. Nagtatanim siya rito ng iba’t ibang gulay gaya ng talbos ng kamote, upo, talong, sitaw, patola, kalabasa, mustasa, kamatis, luya, at ampalaya.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Ayon nga kay Lino, ang pagtatanim ang isa sa pinakagusto niyang trabaho, “Ang the best na trabaho ko dito kapag yung gawain ko ay sa labas — sa garden. Nagtatabas ako ng mga halaman, nagwawalis, iyon ang pinakagusto kong mga trabaho.” Nagbibigay rin ito ng kasiyahan sa kaniya,
“Pag nakita ko na yung mga bunga [ng mga tanim ko], ang dami, nawawala talaga yung pagod ko. Talagang tinitingnan at binibisita ko, iniikot ko muna ‘yung garden, at nakakatuwa talaga kapag ang mga bunga ay napakaganda.”
Bukod sa nagagawa niya ang kaniyang gustong trabaho, kumikita rin siya nang malaki. Dahil sa pagbebenta niya ng mga gulay na ito, nakalikom siya ng 2,200 euros o 128,000 pesos.
Patunay si Lino na hindi lang magandang libangan ang pagtatanim. Isa rin itong kasiyahan sa ilan at isang magandang paraan upang magkaroon ng dagdag na kita.