Publiko Labis na Hinahangaan ang Mala-Anghel na Kagandahan ng Asawa ni James Yap na Si Michela Cazzola

Isa sa mga pinakahinahangaang professional basketball player sa Pilipinas si James Yap o mas kilala sa tunay na buhay na si James Carlos Agravante Yap Sr. Ang kanyang husay ay galing sa nasabing larangan ay talaga namang pambihira, kung kaya naman tinagurian siyang ‘Big Game James’.
Dahil din sa pagiging isang mahusay na manlalaro ni James ng basketball ay isa rin siya sa pinakasikat na miyembro ng kinibilangan niyang kupunan, ito nga ay ang “Rain or Shine Elasto Painters.”

Photo Credits: James Yap |IG

Kung ating matatandaan, minsan ng naging kontrobersyal ang buhay ni James, ito nga ay matapos niyang maikasal sa dati niyang asawang si Kris Aquino, at ilang taon lamang ay mauwi naman sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Ikinasal noong taong 2005 si James kay Kris, na kilalang mula sa isang maimpluwensyang angkan, at taong 2012 naman ng mauwi ang kanilang pagsasama sa hiwalayan. Si James ay nagkaroon ng isang anak kay Kris, at ito nga ay si Bimby.

Photo Credits: James Yap |IG

Samantala, matapos nga ang pinagdaanang kontrobesyal sa kanyang buhay, at nauwing hiwalayan sa dati niyang asawa ay muli namang nakatagpo ng pag-ibig si James, at ito nga ay sa katauhan ng partner niya ngayon na si Michela Cazzola.
Sa kasalukuyan nga ay masayang namumuhay si James kasama ang partner niyang si Michela, at ang pagsasama at pagmamahalan naman nila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Photo Credits: James Yap |IG

Si Michela Cazzola ay isang Italyana at dati rin siyang secretariat specialist sa Asian Development Bank. Dahil sa kanyang dugong banyaga ay tunay namang napakaganda at napakaseksi ni Michela, kaya naman maraming mga Pilipino ang humahanga sa kanya.

Photo Credits: James Yap |IG

Mas lalo pa ngang umani ng paghanga sa publiko ang partner ni James na si Michella dahil kahit na ito ay nagkaroon na ng dalawang anak, ay napanatili naman nito ang kagandahang taglay ng kanyang pangangatawan. Makikita nga sa ilang mga larawan ni Michela, na kahit may anak na ito, ay balingkinitan pa rin ang kanyang katawan.

Photo Credits: James Yap |IG

Kahit naman isang Italyana si Michela, ang mga anak naman nila ni James na sina MJ at Franchesca ay mayroong Pilipinong palayaw, at ito nga ay Bugoy at Bugay. Magkatuwang din sina James at Michela sa pag-aaruga sa kanilang mga anak, pati na rin ang pagsisikap na turuan ang mga ito ng mga mabuting asal kagaya na lamang ng pagsasalita ng ‘po’ at ‘opo’ sa tuwing kinakausap nga sila.

Photo Credits: James Yap |IG

Magmula nga ng magkaroon ng sariling pamilya si James sa piling ni Michela,ay mas naging pursigido pa siya sa kanyang buhay, ito ay upang masiguradong mabibigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya, lalo na nga ang kanyang mga anak. Sa katunayan nga ay may sarili na negosyo na bar si James, ito nga ay ang ‘District 8 Manila.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *